Linggo, Enero 4, 2015

Pain: Ain't Like the Movies


For a hopeless romantic like me and whoever relates to these texts, it sucks to realize that the happy endings we desire so much doesn't truly exist..

Life ain't like the chickflicks and the love stories we see in movies.. It's not like you can always expect something out of this world to happen and turn things around for you... reality is never like that...

Its not like a sign would magically appear in front of her telling her and making her realize how much you love her and how much special she is to you, its not like someone completely random would unexpectedly give her a piece of advice that would push her into thinking that your relationship is worth the save.

Its never like that, its never like the movies we see...

Its natural to believe in such things, to try and do such things for the people we love, romantic dates, sentimental presents, moments of sweetness and cheezyness with each other, the feeling of belonging to someone, that someone actually cares about all your ups and downs in life and really gives a shit about them.

But sometimes, reality bites and slaps us that more often than not, it doesn't work that way...

She won't know and will never know how much you try and do everything you ever can for her, no matter how much you try, what's not enough will always be not enough for someone who doesn't try and see through all the sacrifices and choices you made for them..

She won't know how much you're hurting and will never know how you feel whenever she blows you off and dumps you off.. she'll never know that all you ever wanted was to try and fix things even if it meant lowering down your pride and going out of this world to find ways on how you'll ever try to fix your relationship with her..

It sucks that there's no climaxes, conflicts and resolutions scripted for these kinds of situations like they do in the movies, the one that's tailored to give the audience a happy ending..

Time will tell, if it's a love story worth telling, or a tragedy that should be buried down deep and forgotten.

Its not like she'll realize this and that like they do in a span of a two hour movie.. it takes time, and sometimes, it never really happens, one will always be left wondering why and how things never really worked out when all you ever did was try and do everything you possibly can for her.

Sabado, Enero 3, 2015

Ang Sakit sa Katotohanan


Maghihiwalay kami,

Bakit?

Minsan, nanjan ang tinatawag nating pride, walang gustong magpakumbabaan, parehas tama, walang mali at walang umaamin ng pagkakamali, kadalasan ang mga ganitong klaseng hiwalayan ay yung mga hindi pinagiisipan ng mabuti, yun bang tipong nadala ka lang ng emosyon at galit mo sa puntong iyon ng buhay mo.. subalit papano nga ba maiiwasan ang ganitong klaseng sitwasyon?.. marahil ay sa lahat o sa karamihan ng mga magkarelasyon, ito ang nagiging problema, dahil natural sa tao ang pakiramdam na tama sila palagi sa mga desisyon at sa mga iniisip nilang mga bagay bagay.. ngunit ang hindi pangkaraniwan ay yung mga tipong tao na marunong magpakumbaba at marunong umamin sa mga naging mali nila, yung mga taong may konsensya sa katawan at yung mga taong marunong magpahalaga ng kung anung meron sila, hindi yung mga taong umoo nalang at inaako ang kasalanan subalit may pagkasarkastiko ang banat.

Minsan, marahil ikaw nga talaga ang tama, at siya ang mali, ngunit pursigido siya na siya ang tama at wala kang magawa, mamimili ka kung maghihiwalay kayo o sige siya nalang ang tama para sa kapakanan ng relasyon niyong dalawa, minsan naman marahil ikaw ang mali, at siya ang tama, at ikaw ang matigas ang ulong nagmamatigas at ayaw magpakumbaba, siya naman ngayon ang mamimili, kung iiwan ka na lang ba niya dahil matigas masyado ang ulo mo, o magpapakumbaba siya at ooo sige nalang siya sayo dahil tunay ka niyang mahal..

Malamang sa una o pangalawang pagkakataon, pagbibigyan ka niya at sige aakuhin nalang niya ang mali, ngunit lahat ng tao ay may kanya kanyang limitasyon sa mga ganitong klaseng katarantaduhan, yun bang tipong pag umaabuso na at tila wala na talagang pag asa, sorry nalang kaibigan, pero sarili mo rin sigurong kasalanan yun.

Depende rin naman sa mga bagay na pinagaawayan, kung gaano kalalim o gaano kababaw.. kung yung mga tipong maliliit na bagay tulad ng pagtulog at di pag reply agad sa text lang naman ang pinanggagalingan ng away, maygad, wag na tayong mag aksaya ng oras na pagdiskusyunan pa yang mga ganyang bagay dahil alam naman na natin kung gaano kababaw iyang mga yan.

Ngunit papano kung yung mga tipong rason na makakaapekto sa kasalukuyang buhay niyong dalawa? yun bang tipong may iniputan sa mukha? nanloko, nanlalaki o nambabae, nagsinungaling ng harapan, nagnakawan at iba pa?..

Hindi mapipigilang umiral ang pride sa ganyang sitwasyon, lalu na kung may niloko at nanloko, marahil ay oo mapapatawad ka niya, subalit ang marka ay habang buhay nang nandyan, minsan mo na akong pinaiputan sa mukha, ibig sabihin ay nasa abilidad mong gawin muli. Masakit tanggapin at mabuhay sa ganitong klaseng sitwasyon, at marahil mauungkat at mauungkat kung hindi minsan ay madalas.

Nakakarindi at nakakairita pakinggan ang mga panunumbat at paguungkat sa nakaraan galing sa taong niloko mo, ngunit masisisi mo ba sila? nasaktan sila ngunit nangibabaw ang pagmamahal nila sayo at tinanggap kang muli, sana lang sa susunod, huwag mo nang ilagay sa posisyon o sa sitwasyon na mailalagay sa alanganin ang relasyon niyo muli, at kung gagawin mo man, konsensya mo nalang, malamang wala ka non kung piliin mo mang itago nalang.

Ang maging possessive ay minsan nakakasakal, subalit sino ba naman ang may gusto na hindi mo alam kung nasaan at sino ang kasama ng kasintahan mong minsan ka nang tinarantado?.. konsensya nalang sana nung nanloko kung meron man siya non, konting kompromiso at pagiintindi din dahil hindi madali ang tanggapin na minsan kang iniputan sa mukha ng ibang tao.

Depende rin naman sa kung paano ka maging possesive, pag minsan eh yung wala nang punto at ikaw na ang nagmumukhang gago at baliw, may kasalanan ka rin, oo hindi maiiwasan, pero nandyan ang salitang tiwala, depende nalang din sa kung paano mo kilala at paano kilala ng mga taong nakapaligid sakanya ang taong nasasakal mo.

Simple lang yan eh, wala namang mga ganitong away kung hindi pinaiiral ang pride eh, sabihin na nating nagsimula sa panloloko, ediba sa ganon pride din naman ang nangunguna, yung pakiramdam na may naisahan kang kasintahan o di kaya'y kasintahan ng iba at pakiramdam mo ay napakagwapo o napakaganda mo..

Kompromiso at pagintindi, wag umabuso at matutong magtimpi, hangga't kayang gawan ng paraan, gagawan.. hangga't kayang ayusin, subukang ayusin.. walang mas sasarap sa pakiramdam na nagpakumbaba ka at umintindi.

Kung talagang nagmamahalan kayo, magtulungan kayo, magusap at magintindihan, hindi yung isa lang ang trumatrabaho sa relasyon at yung isa ay nagiginungaling at naglulumandi.

Hindi natin alam kung anu ba talaga ang tama at mali, pero nasasatin ang desisyon kung kaya pa nating subukang muli.

Isa lang naman pinanggalingan yan eh..

Ang putanginang puno't dulo ng lahat.. Pride.


Bow.