Linggo, Hulyo 29, 2012

X and Y..

bakit kaya ang mga ex at mga sumunod sa ex ay laging merong hindi matapos tapos na patalikod at palihim na alitan?.. bat kaya hindi maiwasan ang magkumparahan? ang maglaitan? magparinigan at magkainggitan?.. normal yan na nangyayari, siguro ay kasama na ito sa pag ikot ng mundo.. pero bakit nga ba? para san? diba parang nakakaloko isipin.. kasi wala ka namang magagawa para baguhin ang mga nangyari na eh.. o kung anu ang mga katangiang wala ka na meron yung isa.. ewan ko ba kung bakit minsan ay yung mga ganito pa ang nagdudulot ng away at kaguluhan sa mga magkasintahan.. eh simpleng bagay lang naman yan eh at kung tutuusin hindi na dapat pinapansin.. pinapalaki lang ng ilan..

X -> Y.. kadalasan, hinding hinding hindi iaamin ni ex na mas okay ang pinalit sakanya.. hahanap at hahanap yan ng butas upang mapatunayang mas okay siya kesa dun sa pinalit sakanya.. kesyo sa itsura, sa pimples sa mukha, sa pera, sa ganda ng katawan, sa pananalita at kung anu anu pang kawalangkwentahang mga bagay na makabanat lang na mas okay siya kesa dun sa pinalit sakanya... pwedeng katotohanan at pwedeng kathang isip lamang.. kung totoo man ang mga akusasyon mo, hindi mo ba naisip na kung anu man yung mga yun, hindi naging sapat yun upang iligtas o buhaying muli ang pumalpak niyong relasyon?.. magmumukha ka lang tanga, para mo lang pinatunayan sa sarili mo at sa madla na hindi ka pa over sa EX mo.. kaya nga ex diba? dapat wala ka nang pakialam kung sino at kung anu mang itsura ng kung sino man ang ipinalit niya sayo.. ang kadalasang palusot ay "concerned lang naman ako kasi all i want is the best for him/her, and I don't think na he/she is the right one for him/her" pustahan tayo tangina ang tingin mo ay ikaw ang "BEST" at wala nang ibang makakapalit sa kung anu mang nagawa o naibigay mo sa EX mo, kahit kaibigan mo pa o kakilala mo ang ipinalit sayo, patalikod o pailalim ay babanat at babanat ka parin.. nanjan din ang kaisipang "bago mo pa natikman yan, nauna na ko.." oo sige nauna ka, pero hindi ikaw ang huli, siguro sa kung sa pang indibidwal na satispaksyon ay masaya isipin na ikaw ang una sa kung saan saang bagay, kesyo unang kasintahan, halik, sibak, hawak kamay, hawak ano at kung anu anu pang una una.. oo okay isipin, nakatatak ka na habang buhay kumbaga.. pero sa relasyon, yung dalawa kayong nagmamahalan at gustong magsama habang buhay.. diba mas importante naman kung sino ang huli.. kung kanino tumigil ang lahat ng katarantaduhan, kagaguhan at kalokohan at kung san nagsimula ang kaayusan, katinuan at katapatan?..

Y -> X.. madalas din to, yung ang bagong kasintahan ay walang tigil ang pagkukumpara sakanya dun sa nauna sakanya.. yung tipong kahit mga maliliit na bagay lang pinapalaki.. o kung hindi naman, yung mga walang kwentang bagay biglang binibigyan ng kahulugan kahit hindi naman dapat.. eh ano kung siya ang unang sinibak/sumibak? kung siya ang naunang halik? kung binigyan siya ng teddy bear at ikaw hindi?.. kung siya ang naunang nakasama sa tagaytay o kung san mang lugar na romantiko.. at kung anu anu pang panunumbat na wala naman na tayong magagawa kundi ang tanggapin ang mga ito?.. ex na siya, tapos na yun, kung ano man mga namagitan sakanila, sakanila nalang yun, hindi ka kasali dun kaya wag mo nang ungkatin, ano mararamdaman mo kung ungkat ka ng ungkat tapos biglang naisip ng kasintahan mo na mas malala ka pa pala sa ex niya? na masyado kang mareklamo at hindi ka na niya maintindihan dahil wala naman nang ginagawa ang ex niya sakanya at sayo? pilit mo lang talagang inaaalala at inuungkat?.. edi talo ka?.. sa diskusyong ito, ikaw naman talaga ang panalo eh, kung kaya mong ibaon sa limot ang lahat ng kung anu mang namagitan sa kasintahan mo at sa ex niya.. kasi, tapos na siya eh, di nga siya umubra eh.. ibig sabihin, sa panahong ito, sayo nakikita ng kasintahan mo ang kinabukasan niya.. oo sige, sakanya ang nakaraan, pero nasayo naman ang kasalukuyan at hinaharap... wag mo nang ipilit kunin ang bagay na balibaliktarin mo man ang mundo ay hindi mo makukuha.. wala ding puntong lait laitin mo ang ex ng kasintahan mo dahil magsasayang ka lang ng laway... gaya ng sinabi ko sa taas, magkaibang tao kayo at kung ano siya, hindi ikaw yun... nakakagago din yun ilan na puri ng puri sa mga ex ng kasintahan nila.. "naprepretyhan kaya ako sakanya" o kaya "uy maganda kaya si ano" o kaya may narinig na din akong "ang ganda ganda kaya niya".. kadalasan yan sa mga babae, nakakaloko isipin.. kung maganda nga edi maganda, wag mo nang ipagkalat sa madla.. kasi para mo na ring niloloko yung sarili mo.. gusto mo bang masabihan o mapagisipan ng ibang tao na "oo nga, ang ganda nung ex nung boyfriend niya ngayon"?.. kung artistahin ang dating mo at alam mong mas maganda ka talaga edi good, eh pano kung mejo mas maganda nga ng onti sayo? edi para mo na ding nililibing ang sarili mo?.. pwede namang wag nalang pansinin, or kung napansin mo man, sayo nalang yun, wag ka na maghanap ng kakampi o ng taong makikipagplastikang sabihing mas maganda ka kahit hindi naman talaga.. basta ang importante, dati na siya at ikaw ang ngayon.. sa mga kalalakihan naman, hindi matatanggal ang paangasan, paastigan at palakasan.. uso ang mga banat na "bading naman yung ex niya eh" o kaya "kayang kaya ko namang saktan o gulpihin yung ex niya eh".. pwede ring "ang lamya lamya naman ng itsura ng ex niya..".. at kung anu anu pang klaseng pisikal at berbal na kasakitang pwedeng maidulot niya dun sa ex ng kasintahan niya.. "tangina kahit ganu ka pa kagwapo o kamacho, sa suntukan at sakitan tangina hindi kita aatrasan..".. okay na na alam mo sa sarili mong kaya mo, wag mo na ipagkalat o ipagmayabang dahil magmumukha ka lang mayabang at pacool, maangas at ulul.. pag lalaki sa lalaki ang away, harapan dapat ang laban, hindi yung puro nalang backstabban.. so kung sakaling may problema ka sa ex ng girlfriend mo, harapin mo siya.. pero siguraduhin mong may problema talaga, hindi yung makapagangas lang.. kasi kung wala naman talagang problema at nag aangas ka lang, magmumukha ka lang gago sa harap ng madla..

Simple lang yan, ang nakaraan ay nakaraan na, ang nangyari ay nangyari na, ang mangyayari ay mangyayari palang.. kung ano ang binitawan mo at wala na sayo wala na.. at kung hawak na ng iba, hindi mo na basta basta makukuha yun, at kung panu hinawakan yan ng iba, siguradong hindi parehas yan sa hawak na gawa mo ngayon.. pwedeng mas maayos pwede ring hindi.. so kung nakakarelate ka, magisip isip ka na..

-krphclo



Biyernes, Hulyo 27, 2012

BATO.

Naumpog ka na ba ng bato sa ulo?.. yung klaseng umpog na dudugo at magbubukol ang ulo mo sa sakit? yung tipong hilong hilo ka na at di mo alam ang gagawin mo?.. at sa sobrang sakit, gusto mo ipikit ang mga mata mo at wag nalang isipin ang sakit... pero kahit anung gawin mo, masakit parin talaga.. Ang mga bato talaga kakaiba, napakatigas, masakit kung ikaw ay matamaan, paminsan ay pumapasa, minsan ay pumepeklat at hindi na matanggal tanggal..

Ganyan din siguro ang mga taong bato, mga taong kulang sa pakikiramdam, walang emoyson, antigas tigas, wagas at nagmimistulang bato ang puso.. di mo alam kung nananadya o talagang ganun lang talaga sila eh.. yung pag tinamaan ka, minsan gusto mo nalang magpakalango sa alak makalimot man lang kahit konti at sandali sa tanginang sakit na yan.. kahit alam mong pag gising mo sa umaga, nandyan nanaman ang sakit, may kasama pang sakit ng ulo.. ganyan talaga eh, at tulad ng tama ng bato, pag pumeklat o pumasa, ay parang sugat sa puso, mahirap nang makalimutan o tanggalin..

May mga taong sadyang ganyan tangina, minsan anhirap intindihin kung bakit.. kung bakit hindi sila makaintindi, kung bakit sinusubukan mo na ang lahat para magpaliwanag ay sadyang hindi ka maintindihan o ang mas masakit ay pilit kang hindi iniintindi.. pride? immature? maarte? andaming pwedeng rason.. pero bakit? wala kang magagawa kung ganyan ang tao.. pero hindi mo rin naman matatanggal sa sarili mo ang magtaka at magisip.. ang maulol at mabaliw... na tangina, bakit kaya antigas tigas nitong taong to?!.. lalu na kung lahat ng klaseng pampapalambot ng puso ay sinubukan mo nang gawin para sakanya.. minsan kailangan nalang nating tanggapin na tangina meron talagang mga taong BATO.

"Bato bato sa langit ang tamaan wag magalit"

Bakit minsan, kung sino sa tingin mo yung taong makapagpapatino sayo, yung taong handa mong mahalin ng buong buo, yung taong gusto mong alagaan at respetuhin habang buhay, ay yun pa ang hindi mo mapaibig? yung tipong handa kang ibigay at gawin ang lahat para lang sakanya, handa kang kayanin lahat ng sakit at pagsubok na possible niyang mabigay sayo, alam mo sa sarili mong gusto at kaya mo kaso lang palagi ka nalang niyang itinataboy? pinapahiya at sinasaktan?.. yung minsan iniisip mo, "kaya ko pa ba?" o kung hindi man ay sarili mo na mismo ang nagsasabi sayo na "tangina maawa ka naman sa sarili mo.." at sawang sawa ka na sa mga payo ng kaibigan mo na "tama na, madaming pang iba..".. o kaya "wag nang ipilit ang ayaw.. minsan talaga kailangan ng spark.. at hindi niya makita sayo yun".. tangina lusis ba tayo para kumislap?!.. at ikaw naman si gago na nasasaktan sa isang tabi dahil alam mong wala kang magagawa kundi ang tanggapin ang mga masasakit na payong ito..  wala eh ganun talaga.. sa totoo lang mas masakit kung pati mga kaibigan mo na mismo ang nagsasabi sayo na tama na, tumigil na at nagmumukha ka na talagang tanga.. kasi kung totoong mga kaibigan yan, sasabihin nila sayo pag talagang mukha ka nang gago.. pero bakit minsan kahit anung sakit, kahit anung payong malala, at kahit anong pagdismaya sayo ng kung sino man ay meron paring bumubulong sayo na wag tumigil, ang mag tiyaga at wag sumuko.. minsan maganda yan pero minsan din ay hindi.. lalo na pag dating sa mga taong bato.. yung tipong hindi mo na alam kung anu pa ba ang pwede mong gawin, yung hindi mo na alam kung anu pa ba ang dapat mong sabihin kasi alam mo naman na sa huli ay sarili mo din naman ang sinasaktan mo, kumbaga sinaksak ka na nga, binaon mo pa lalo ang patalim sa dibdib mo.. "pare ganun ko siya kamahal" ang kadalasang banat, pero hindi mo ba naisip na marahil ay nasusubukan ang pagkatao mo dahil di mo siya makuha?.. kaya ka nagtyatyaga? kaya mo ipinipilit ang nagmimistulang imposible?..  kaya mo kinakaya ang lahat? kasi sino ba namang tao ang ayaw pumalpak?.. sabi ko nga diba, lahat naman siguro ng bagay nadadaan sa tiyaga.. pwera nalang siguro ang mga taong bato.. kasi tangina kung taong matino yan, may puso din yan, na siguro kahit sa simula ay di ka niya magustuhan, kapag naman siguro nakikita naman niya ang pagpursige mo sakanya, unti unti din naman sigurong lalambot ang puso niyan.. maliban nalang kung bato ang puso niya, yung hindi nakakaramdam.. o kung hindi naman ay nagmamanhidmanhidan.. yung tipong andami mo pang gustong patunayan sakanya, sinarhan ka na niya ng pinto... pati na rin ng bintana sa buhay niya.. wala ka nang magagawa kung ganyan.. maghanap ka nalang ng iba.. lalu na kung grabe na talaga yung sakit.. mabuti na yung alam mo na hindi ka nagkulang.. sadyang bato lang talaga siya.. humanap kamo siya ng kapwa niya bato at magkiskisan sila, baka makuha na niya yung spark na hinahanap niya..

Sa relasyon naman, minsan hindi maiiwasan ang may isang bato, pwedeng si lalaki, pwedeng si babae.. yung tipong hindi mo alam kung anu na ba ang dapat gawin sa relasyon niyo.. kasi puro nalang galit at pagtatalo ang ginagawa niyo, wala nang pakinggangan at intindihan.. puro nalang sumbatan at patigasan ang laban.. laging tandaan na sa away, laging may isang talo at may isang panalo... kawawa ang isa kung mali ang bato.. kasi pihado kahit anung pagpapaliwanag mo, hindi niya maiintindihan.. hindi maiiwasan yan, ang pataasan ng pride.. walang gustong umamin ng pagkakamali, pero siyempre, sa huli, merong magpapakumbaba, at kadalasan, kung sino pa ang tama, siya pa ang magpapakumbaba kasi nga bato itong isa.. walang pakundangan at nagtitigastigasan.. sa ganitong sitwasyon, kaya pa naman sigurong isalba yan kasi nasa relasyon naman kayo at siguro stressed lang at gulong gulo ang kasintahan mong bato sa kung anu na ba ang gusto niyang maging direksyon ng relasyon niyo, siguro quality time? pagbabalik sa matatamis na memorya ng nakaraan? isang masarap na sibakan? at kung anu pa mang pwedeng makapagpalambot sa puso ng isa.. kasi kung hindi parin umubra yan, ganap na talaga siyang bato.. yung tipong ang isa ay ginagawa ang lahat upang buhayin muli ang pagmamahalan, kinakaya ang lahat ng sakit.. at sinusubukang intindihin ang kataasan ng pride nitong isa.. ewan ko nalang.. bitawan mo nalang yang batong yan at maghanap ka nalang ng iba, dahil malamang sa malamang ay sa tingin niya ay siya na ang may ari ng mundo niyong dalawa, na kung anu gusto niyang mangyari, kailangang mangyari, nang hindi nagiisip kung anu ba ang mararamdaman ng isa.. wala na yan, wag ka na magaksaya ng panahon, wag mo na saluhin lahat ng sakit, wag mo na kunsintihin ang alam mong mali... bato yan, walang nararamdaman.. manhid, matigas, mapride.. pero sa huli, alam mo parin sa sarili mo na kaw ang tama at siya ang mali.. na tama lang na ibato mo na yang batong yan sa dagat at hayaan mo nang lumubog..

Pero minsan, nandyan din ang mga taong kahit alam na nilang nasasaktan na sila, nagmumukha na silang tanga, nasasakal na at nahihirapan na, ay pilit parin nilang tyinatyaga ang mga bato.. bakit? hindi ko din alam.. minsan kasi may mga taong kailangang maumpog muna sa semento bago matauhan.. pero tangina, pag pumeklat ang tama sayo ng mga taong bato.. hindi tulad ng pangkaraniwang peklat na pwedeng ipatanggal kay belo o kung kanino man... ang ganyang klaseng peklat, habang buhay nang magmamarka sa pagkatao mo.. hindi mo na matatanggal na minsan kang tinamaan, umumpog o humampas sa isang bato..

Grabe talaga ang mga bato.. batong manliligaw, batong nililigawan, batong kasintahan, batong kaibigan at kung anu anu pang klase ng bato sa mundo.. hindi maiiwasan ang matamaan ka ng ilan, diskarte mo kaibigan kung pano ka magpapatama at tatamaan..

-krphclo


Sabado, Hulyo 21, 2012

Distansya..!!

Isang simpleng salitang nagbibigay ng napakaraming problema sa mga taong nagiibigan at nagliligawan.. bakit kaya?..  iba ibang relasyon, iba ibang pakikitungo sa konsepto ng distansya.. merong mga kinakaya, merong mga sinusubukang kayanin, at meron din namang mga sumuko na.. ngunit ang malala ay yung mga nagsusukusukuan lang.. tara pagusapan natin ang mga kagandahan at kababalaghan ng pagkakaron ng distansya sa taong minamahal mo..

Una na dito ang pagpapatunay ng tunay mong nararamdaman para sa taong yun.. madali sabihing mahal mo ang isang tao, lalu na kung madalas o araw araw mo siyang kasama.. eh pano kung nagkaron ng distansya?.. yung tipong distansyang alam mong walang paraan para pisikal kayong magsama?.. magaabroad kuno si lalaki para mag aral o magtrabaho o kundi naman magmimigrate si babae sa kung san mang lupalop ng mundo.. paano na ang relasyon at pagiibigan?.. kung sa tingin niyong dalawa ay tunay ang inyong mga nararamdaman, edi sige, sabay kayong sumugal at magtulungan upang panatiliing tapat at totoo ang inyong pagmamahalan.. eto ang magtutulak sa isa't isa na gumawa ng paraan upang kayo'y magkitang muli, maaring tatlo o isang beses sa isang taon ay magdalawan, o kung kelan pagbigyan ng tandhana, yung tipong sa sobrang mahal mo yung tao, mabigyan ka lang ng oportunidad na makita siyang muli ay papatusin mo na, anuman ang maging kapalit.. yan ang tunay na pagiibigan, walang sinusukat na oras at distansya.. kung mahal mo mahal mo, walang kaso kaso, walang pero pero.. basta mahal mo.. malamang lamang kung manatiling tapat ang inyong pagmamahalan sa isa't isa, ay sulit ang lahat ng sakripisyo sa huli.. subalit pano kung merong nagiba ang nararamdaman dahil sa distansya o sa takot sa mga posibleng bagay at kalungkutang maidudulot nito?.. normal lang yan, naiintindihan kita, sino ba naman ang hindi maprapraning diba? katarantaduhan yun pag sinabi mong ayos lang na magkakalayo kayo ng kasintahan mo at wala man lang kabog sa dibdib mo, ano ka bato?.. normal sa tao ang matakot, lalu na kung para sa kapakanan o ikabubuti ng minamahal mo.. siyempre ang hirap isipin na wala ka sa tabi niya kung sakaling biglaan ka niyang kailanganin at walang paraan para mapuntahan mo siya.. ansakit isipin na parehas niyong kailangang magenjoy at magsaya sa buhay ng wala sa piling ng isa't isa.. oo pwedeng magkwento, pero iba parin yung magkasama kayo diba?.. ang hirap din na may mga bagong bagay kang nalalaman, nagagawa at natutunan at naiisip mo na sana kasama mo siya sa bagong yugto na ito ng buhay mo.. subalit wala kang magawa dahil nga sa tanginang distansya na yan.. mga simpleng bagay palang yan kaibigan, kumbaga eto yung mga pagsubok na pagdadaanan niyo sa mga sarili niyo palang.. wala pang nadadamay na ibang tao.. ibig sabihin, kung dyan palang ay suko ka na, pwes makipaghiwalay ka na ngayon din, dahil ipupusta ko ang etits ko, kung dyan palang ay olats ka na, anu pa dito sa susunod?..

Temptasyon.. kadikit ng distansya sa relasyon ang temptasyon.. yan ang unang papasok sa utak ng kung sino mang sasabak sa ganitong klaseng relasyon, "tangina andaming iba run, kakayanin kaya niyang hindi mangaliwa?".. yan ang karaniwang tanong.. ang sagot? iba iba siyempre, depende sa tao, sa sitwasyon at sa pundasyon.. kung ang kasintahan mo ay kilalang chickboy o pasibak bago maging kayo ay kabahan ka na, dahil pag nagkadistansya na, hindi malayong single na uli ang tingin niya sa sarili niya at iiwan ka sa kabilang dako ng mundo na nauulol at nababaliw kung anu na ba ang ginagawa niya.. kung ganyan lang din, sa simula palang maghiwalay na kayo.. dahil sigurado ako, pag pinagpatuloy niyo na ganyan, sa hiwalayaan din ang uuwian niyan, magsasayang nalang kayo ng oras na magkunwaring ayos parin ang relasyon niyo kahit na ang isa ay nangangaliwa na at ang isa naman ay ngawa ng ngawa sa mga kaibigan niya ng kung anu anung kapraningan tungkol sa dun sa isa.. sayang oras, sayang luha, sayang yung saya at higit sa lahat, sayang laway ng lahat ng taong madadamay.. tapusin niyo na simula palang para move on na, tutal naman bumigay na kayo sa konsepto ng distansya.. hindi maiiwasan ang magandahan, magwapuhan, malibugan o masexyhan sa ibang tao, tangina may mata tayo eh, malamang sa malamang ay nakakapansin tayo o nakakaapreciate ng mga bagay na sa tingin natin ay kaakit akit at kapansin pansin.. samantalang ang mga ari naman natin ay may sariling mga utak, hindi naman natin makokontrol kung kelan titigas ang titi natin o kung kelan mababasa ang puke ng mga babae eh.. hindi mo naman sa ganyan masusukat ang tatag ng nararamdaman mo para sa kasintahan mo eh, porket ba nagandahan ako at nalibugan sa isang babaeng talaga namang maganda at mala porn star ang dating ng katawan eh hindi ko na mahal ang kasintahan ko? pag ang babae ba ay nagkacrush at naglaway sa lalaking gwapo at mala macho dancer ang katawan eh niloko na niya ang kasintahan niya?.. ang bobo ng mga ganun magisip.. sinibak ba? may nangyari ba? kung wala naman edi paghanga lang yun, crush lang kumbaga.. sa ganyang sitwayson kasi, mata at ari mo ang bumubulong sayo.. nasa sayo nalang kung susundin mo yan at babaliwalain ang sinisigaw ng puso't isipan mo.. na walang iba kundi ang minamahal mo..

Sipag, tyaga, kontrol at diskarte.. pag may distansya, malamang mamimiss mo yung kasintahan mo, pag miss mo, hindi naman pwedeng ikaw lang ang nakakamiss, malamang sa malamang ay miss ka din ng kasintahan mo na nasa kung san mang panig ng mundo.. maliban nalang kung ang isa sa inyo ay nabiktima na ng temptasyon.. kung miss mo, hindi naman pwedeng hanggang dun nalang yun, siyempre gagawa ka ng paraan para mapawi kahit konti yung pagkamiss niyo sa isa't isa.. hindi man kayo bigyan ng tadhana ng pagkakataon para magkita, madami pang ibang paraan para maiparamdam niyo ang pagmamahal niyo para sa isa't isa kahit magkalayo kayo.. madadaan natin yan sa simpleng sipag at tyaga.. kung hindi maarte ang karelasyon mo, sapat na yung mga maliliit na bagay.. hindi naman na kailangan minuminuto kayo magkachat o oras oras nalang magkaskype, jusko may kanya kanyang buhay din naman kayo, saka kahit papano, mas okay din yung kahit konti ay nagpapamiss kayo sa isa't isa.. okay na yung tatlo o apat na beses sa isang linggo ay magskype kayo, o kundiman magchat kayo ng malupet lupet pag nabigyan ng magandang timing, pero wag naman yung ipipilit yung hindi pwede, hindi na love yun, obsession at kabaliwan ang tawag dun.. syempre may kanya kanya din kayong mga buhay sa magkabilang sulok ng mundo, kung isesentro niyo lang din sa relasyon niyo, edi para na ding hindi kayo naghiwalay.. wala lang din mangyayari sainyo.. hindi kayo tatanda dahil ang labas ay nakasandal parin kayo sa isa't isa.. diba mas maganda yung kahit magkalayo kayo, at alam niyong buong buo parin yung pagmamahal niyo sa isa't isa, ay parehas kayong nagmamature mag isa para pag dumating na yung panahon na magkakasama na kayo uli, mas kilala niyo na yung sarili niyo.. at saka niyo pagsamahin ang mga natutunan at pinagdaanan niyo at ngayon kayo humarap sa mga bagong pagsubok na sa tingin ko naman ay kakayanin niyo, ika nga ni papa Derek Ramsay sa pelikulang once more chance diba.. "It takes grown ups to make relationships work..".. malayo, malapit, mahigpit, maluwang at kung anu pa man, pag parehas kayong mature magisip, lahat kakayanin niyo.. parang resume lang yan, diba mas may pag asang matanggap ang aplikanteng maganda ang mga kredensyal? mas madaming napagdaanan? at mas madaming pagsubok na tinumbok?.. ganyan din sa relasyon, mas matatanggap niyo ang isa't isa anu man ang inyong mga pagkukulang at pagkakamali pag madami na kayong pinagsamahan, yung napakahaba na ng listahan na yaw mo nang basta basta itapon lang.. lahat naman ng bagay napaguusapan eh.. mabaog na ko kung hindi pero panigurado ay uubra yan kung parehas kayong mature.. tamang sipag, tyaga, kontrol at diskarte lang yan..

Sugal.. eto ang pinakamasakit at nakakaulol na klase ng distansya.. yung nagsisimula ka palang pumundar ng pundasyon dun sa trip mo, yung magsisimula ka palang manligaw.. tas sa di inaasahang pagkakataon biglang kailangan umalis ng minamahal mo... nakakulol, nakakadepress at nakakabaliw.. hindi maiiwasan ang tanong na "pano na?".. pano na nga ba? kanya kanyang sugal yan kaibigan.. nasa sayo yan, pwedeng sundan mo at dun ka magsimula ng panibagong sugal sakanya.. pwedeng itigil mo na at sumugal ka nalang sa iba.. pero ang pinakamalupet na sugal kung mahal mo talaga yung tao ay yung sugal sa hintayan, maghintay ka, pero wag kang magpakaulol na naghihintay lang at walang ginagawa.. ang magandang gawin ay ayusin mo kung anu man ang pwedeng ayusin sa sarili mo, at gawin mo to para sarili mo, hindi para sa hinihintay mo.. para kung sakaling makakilala ka ng panibago o bumalik na ang trip mo, alam mo sa sarili mo na handang handang handa ka na talaga sa buhay.. kasi isipin mo, kung sa tinagal tagal na naghihintay ka, at lahat nalang ng ginagawa mo ay inialangalang mo sa hinihintay mo, tas bumalik siya at may iba na pala, bumalik sa ex, kinasal na sa foreigner, nabuntis o kung anu pa mang kasakitan ang pwedeng isampal niya sa mukha mo, edi talong talo ka?.. iiyak iyak ka.. sayang ang lahat? magsisisi ka, at kung anu anu pang pagngangangawa.. yan kaibigan ang mga bagay na sinasabi kong ayusin mo habang naghihintay, dapat ihanda mo ang sarili mo sa mga ganyang bagay para pag hinarap sayo yan ng pagkakataon, handa ka at alam mo na kung ano ang gagawin mo.. kung umuwi siya at ayaw niya parin sayo o may iba edi fine.. simple lang yan pre, wala kang choice kundi kayanin ang sakit na mawawala ang nililigawan mo, masakit na nga eh, gagatungan mo pa ba? maghanap ka ng alternatibong gagawin o aaliw sayo.. kumbaga, gumawa ka ng buhay mo habang wala siya.. gawin mo siyang inspirasyon pero wag mo sakanya isentro ang buhay mo, kasi unang una, manliligaw ka palang, yun palang sugal na, at kung pipiliin mong maghintay, panibagong sugal na naman yun.. at kaibigan, alam naman natin na pag sa sugal ay greedy ka at all in ka ng all in ng hindi nagiisip, ay wala kang mararating... ganun din sa panliligaw. pag bigay ka ng bigay ng hindi nagiisip at nagkakalkula ng mga dapat mong gawin, papalpak at papalpak ka lang..

Napakalakas ng distansya.. kaya nitong buuin o sirain ang relasyon mo, kayang kang pasayahin at paiyakin, at kaya kang bigyang ng sakit at sarap.. depende sa kung paano mo aakapin ang konseptong ito, kung tratratuhin mo ba itong pagsubok o panira sa relasyon mo.. isang bagay palang yan kaibigan, distansya palang yan, kung dyan palang ay susuko ka na at panghihinaan ng loob.. yung dyan palang ay naaaning ka na at hindi ka na makapagisip ng maayos para sa relasyon niyo.. yung diyan palang ay magngangangawa ka na at magpapakaimmature, pwes magisip ka na.. andami dami pang problemang higit pa sa distansya.. kung diyan palang suko ka na, edi hanggang diyan nalang pala yung nararamdaman mo para sa minamahal mo?.. wala ka pala eh..

-krphclo

  



Sabado, Hulyo 14, 2012

Prom-Dee-Prabins..!!


Ano nga ba ang iba sakanila? ano ang meron sila at bakit minsan ay napakalakas ng kamandag nila? yung huling huli ka agad, sa hindi mo malamang dahilan.. kung bakit gumagaan ang loob mo pag dating sakanila.. para sa mga taga siyudad na hindi sanay manligaw o makakilala ng mga babaeng nanggaling sa kung san mang sulok ng pilipinas, simple lang yan, humanda ka nang mahirapan..

Malamang sa malamang ay lumaki siya sa isang mabuti at konserbatibong pamilya, yung tipong sanay sa simpleng buhay lang, wala gaanong arte, yung tipong basta masaya, okay na.. Panigurado na dahil sa ganung klaseng paligid siya lumaki kaya't siya ang babaeng iniibig at ginigiliw mo ngayon..

Ngunit ano ba talaga ang meron sakanila?

Kakaibang pananaw sa buhay.. hindi ito yung tipo ng babaeng madali mong mauuto, kasi sa totoo lang, akala ko dati mas madali manligaw ng probinsyana, tangina yun pala hindi.. Sa napansin ko, ibang iba ang pananaw nila sa buhay kumpara sa mga pangkaraniwang babae dyan sa tabi tabi, madiskarte sa pera, hindi ganun kaarte, minsan barabal kung magsalita, minsan naman sobrang hinhin, karamhian matapang, kakaiba ang kagandahan, kadalasan ay konserbatibo, kung uminom parang lassinggero at hindi mapatumba, hindi madaling bolahin at lalung hindi madaling paibigin.. kumbaga, marahil ay sila yung tipong mga klase ng babae na, ansarap sarap pakisamahan, ang sarap maging kaibigan, ang saya saya kasama.. yung tipong sobrang nakakagaan ng loob.. yung tratratuhin mo talagang tunay na kaibigan, o kung hindi naman, higit pa dun..

Iba ang dating.. hindi maiiwasan sa lalaki ang magpaimpress pag makikipag date, pinakamagandang damit, pinakamabangong pabango, pinakamalupet na pampatuyo ng kili kili, pinakamaporma at pinaka maingay na tambuchong kotse, at kung anu anu pang pwedeng ipagmayabang.. pero importante ba talaga ang pagyayabang? siguro sa mga babaeng madali at pasibak oo madadaan mo sila sa ganyan.. pero yung mga probinsyanang matitino? marahil ay hindi, iba ang dating nila eh, yung tipong simpleng trip lang, magbike, maglakad sa palayan, pumunta sa dagat, kwentuhan lang, mag karaoke hanggang umaga, saktong tambay, yung tipong kahit alam mong mejo boring, pero pag sila kasama mo, iba ang dating kumpara sa pag lalakad sa mall o sa panonood ng sine o kung anu pa mang mga pangkaraniwang trip..  kasi alam mo na sa ganitong paraan, unti unti mo silang nakikilala ng mabuti.. at yung akala mong boring ay nagiging masaya.. dahil malamang sa malamang, hindi ka naman siguro magaaksaya ng panahon manligaw ng matinong probinsyana kung sisibakin mo lang at iiwan eh, andami niyan diyan sa tabi tabi, demonyo ka nalang kung ganun ang pakay mo sa isang mabuting babae.. marahil ang dahilan kaya ka nagtyatyaga na mapaibig sila, kasi iba ang dating nila kumpara sa iba...

Wagas na pananalita.. hindi pangkaraniwan sa isang babae ang malakas ang boses, maingay, kalog at kakaiba kung magsalita, lalu na kung lumaki ka sa siyudad na ang uso ngayon ay pagalingan mag taglish ang mga tao, at malamang sa malamang, naranasan mo nang paulit ulit basahin at icheck ang english mo sa text pag may dinidiskartehan kang babae sa eskwela o kung may katext kang nakilala mo sa bar na gusto mong sibakin.. isa sa mga pinaka malupet na katangian ng mga babaeng galing probisnya ay ang kanilang pananalita, dalawang klase yan, meron yung mahinhin at mahiyain, pero ang kadalasang nakakdali sa mga lalaki ay yung mga matitigas mag magsalita, yung tila pabalbal na paminsan, malalakas ang boses, at yung mga malakas mambara.. habang nananatili parin silang kagalang galang.. bakit kaya? siguro kasi alam mong natural sakanila yung ganung klaseng pananalita, at nakakatuwa kasi babae sila, isipin mong mabuti, kung nakakarelate ka dito, yung feeling na nagsasalita palang sila napapangiti ka na, kahit hindi ikaw ang kausap.. parang ang kyut na ewan.. nakakabighani.. wagas..

Pahirapan kung pahirapan.. mahirap talaga, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.. mapapangiti at mapapangiti mo sila sa mga simpleng bagay, simpleng effort, simpleng regalo, simpleng mga salita, pero sa pagkakaalam at napagdaanan ko, hindi mo pwedeng isipin na sa mga ganyang bagay mo siya madadaan.. sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anu ba talaga ang kailangang gawin.. pero iniisip ko nalang na siguro, seryoso ang tingin nila sa mga manliligaw nila, hindi man sila namamansin o binabalewala ka lang, marahil ay hindi nila sa material na bagay sinusukat ang panliligaw mo, kundi yung katatagan mo bilang tao, yung pananaw mo sa buhay, yung lakas ng nararamdaman mo para sakanila, kung ano ang possibleng kinabukasan nila sayo, yung tipong hindi panlaro larong relasyon lang, malamang ay siguro iniisip nila na kung pagbigyan ka nila ay dapat lang na mapanindigan mo lahat ng ginagawa at sinasabi mo hanggang sa altar.. kaya ikaw kaibigan, kung nakakarelate ka at gusto mo talaga, humanda kang masaktan, magtyaga at magbago para sa ikabubuti mo.. para kung sakaling makita niya na totoo talaga at wagas ang nararamdaman mo para sakanya.. malay mo magiba ang ihip ng hangin..

Minsan nga lang, kung tayong mga simpleng lalaki lang ay hindi sanay sa mga babaeng galing probinsya.. sila din marahil ay di sanay sa mga lalaking taga siyudad.. meron sigurong iba na madaling magkagusto sa lalaking sobrang gwapo, o kundi naman sobrang macho, o kaya naman yung sa babae lang mabait pero pag wala na yung babae ubod na ng yabang.. pero alam ko naman na siguro hindi naman sila basta basta magpapadala sa mga ganun, siguro "crush".. pero yung maiinlove dahil lang sa mga ganun at walang effort?.. mejo sampal sa mukha nung mga nageeffort ng todo para sakanila subalit iniichapwera lang nila.. kasi kahit baliwalain mo yang mga tunay na nagmamahal sayo, pag makita nilang nasasaktan ka o sinasaktan... nasasaktan din yang mga yan para sayo.. ganun ka niya kamahal.. hindi mo lang alam.. o hindi mo lang napapansin.. o ang malala, hindi mo lang pinapansin..

Hindi ko naman sinasabi na probinsyana lang ang karesperespeto at kagalang galang na babae, madaming ganyan, mahirap nga lang hanapin.. at kung sakaling ikaw kaibigan ay nakahanap na, wag mo basta bastang pakawalan, tyagain mo lang, kung sigurado ka sa nararamdaman mo, lahat ng hirap at sakit ay karapatdapat lang na pagdaanan kung talagang mahal mo talaga yung babae.. naiintindihan kita.. hindi man sa probinsyana, marahil ay sa malapit na kaibigan, sa dating kaklase, kabarkada, katrabaho o kung anu pa man, madaming ganyang klaseng babae... nagkataon lang na probinsyana ang nakahuli sa puso ko..

-krphclo




Define "Ligaw"!

isa sa mga pinakamalupet na pagdadaanan ng isang lalaki... mahirap... komplikado... pero sa huli, masasabi nating simple lang yan..

Pag galing sa magkaibigan at sinubukang magligawan. Sugal to kaibigan, isang malaking sugal, akala mo sa simula madali pero sa totoo lang, mas mahirap pa to. Hindi mawawala sa magkaibigan ang magbigay ng tiwala sa isa't isa, ang maging komportable at magkakilalahan ng malaliman. Oo maganda ang pundasyon, oo kilala niyo ang isa't isa, oo komportable kayo, ansarap isipin na madadalian nalang dahil sa mga pagkakataong yan. Kung parehas niyo naman gusto ang isa't isa edi go, walang pipigil sainyo.. Pero paano kung isa lang? one sided kumbaga, dyan tayo magkakatalo talo. Sa mga babae.. kung magkaibigan kayo ni lalake at nahuhulog ka sakanya pero masyado kayong malapit sa isa't isa na lahat nalang ng trip at sinisibak niyang babae ay sinasabi niya sayo at ikaw naman ay nasasaktan sa isang sulok, magisip ka na, babae ka kaibigan, hindi dapat ikaw ang naghahabol, pero siyempre hindi din natin maiiwasan ang mga ganung pagkakataon.. hindi mahuhuli ang lahat, dahil ang lalaki naman, minsan oportunista, at dahil maganda nga naman ang naging pundasyon niyo, hindi malayong mahulog din siya sayo.. diskarte mo nalang kung paano mo tatanchahin kung kaya niyo bang "magkaibigan" o hanggang "mag kaibigan" lang talaga.. mas sentimental ang mga lalaki kesa sa mga babae kung alam mo lang, nararamdaman niyang mga yan pag naalagaan sila, pag naiintindihan sila at pag nilalambing sila, minsan nagmamaangmaangan lang at nagmamatigas.. Sa mga lalake.. "best friend" mo kuno si babae pero meron ka talagang lihim na pagtingin, mahirap yan brad.. kasi malamang lamang trinato ka nang parang kapatid nitong si babae, yung tipong kahit magbihis siya sa harap mo ayos lang, titigas titi mo pero kung totorpetorpe ka, ijakol mo nalang yan habangbuhay.. ang hirap nito lalu na pag close na close na kayo ni babae na hindi mo na alam kung ano gagawin mo, kung didiskarte ka na ba o kung iisipin mo na ganun lang ba talaga siya dahil nga close kayo.. nakakabaliw, pero alam mo kaibigan, simple lang yan, wag kang totorpe torpe, wala namang mawawala sayo kung subukan mo eh, kung kumagat edi okay, kung hindi at least pare nagpakatotoo ka sa sarili mo.. pag lumipas ang panahon maiintindihan ka din naman ni babae eh, hindi man umubra ang panliligaw mo, iligtas mo nalang yung naging pagkakaibigan niyo at tanggapin mo nalang na ganun talaga.. ipakita mo nalang na nandyan ka parin bilang kaibigan niya, malay mo masolusyonan pa yan pagdating ng panahon... kesa ipilit mo at pati yung pinagsamahan niyo dati ay mawala..

Sibak muna bago ligaw. eto ang uso ngayon.. ang pinakamadali pag maayos ang kinalabasan pero isa sa pinakamasakit pag pumalpak.. malamang lamang nagkalasingan, nagkalibugan at nagkasubukan, pag gising sa umaga itatanong niyo sa mga sarili niyo "ano na?". Pwedeng trip niyo lang talaga parehas at magkalimutan na pagkatapos, pero pano kung may nahulog?.. Sa mga babae.. hindi malayong mahulog ka pag nagpasibak ka, maliban nalang kung ganun ka lang talagang klaseng babae. Kung matino ka naman magisip hindi ka basta basta bibigay sa kung sino sino lang diba? So masasabi natin na "attracted" ka na talaga sa lalaki bago pa may mangyari, at dahil naisuko mo na ang bataan, hindi na malabong ibigay mo narin pati ang puso mo sakanya.. malaking bagay kasi para sa mga babae ang pagbukaka sa lalaki, maliban nalang kung puta ka.. sa pagkakataong ito masasabi ko na sa ganitong klaseng ligawan, lalaki ang makakapagsabi kung ano na ang susunod na mangyayari.. maliban nalang kung sobra mong sarap na gusto kang araw arawin ni lalaki.. ang masakit diyan eh ang maisip ni lalaki na ganun ka lang pala kadali at iiwanan ka nalang bigla sa ere.. Sa mga lalaki.. ayan na, nasayo na, dito ka masusubukan ngayon, paninindigan mo ba ang tiwala at damdamin ni babae? o astig ka at iiwan mo nalang dahil nasayo na ang gusto mo?.. sabi ko naman, kung matinong babae yan at nagpasibak sayo, malamang sa malamang mahal ka niyan o kung hindi naman, trip ka niyan, eh ikaw? malamang pag gising sa umaga abot tenga ngiti mo na nakahubad pa si babae sa tabi mo, pero ano na ang susunod? ikaw ang magdidikta, itutuloy mo ba na mahalin siya o subukang gustuhin siya para maging kasintahan? o kalimutan na dahil nakuha mo na ang gusto mo?.. konsensya mo brad, kung matino kang lalaki alam mo na dapat ang sagot, pero kung cool ka at astig, malamang sa susunod na gabi iba nanaman ang kasama mo at iiwan mo itong si babaeng litong lito.. hindi mo rin kasi matatanggal sa lalaki na kung madaling nakuha, madali lang din itatapon, pero kung mahirap nakuha, mahirap ding bitawan.. Simple lang yan, masarap sumibak at magpasibak oo, pero kung hindi niyo kaya kontrolin ang mga mararamdaman niyo pagkatapos, mas mabuti pang wag nalang muna, kasi sa huli, parehas kayong magtatanong sa mga sarili niyo.. "ano na?"..  at parehas kayong walang maisagot sa mga sarili niyo..

Diskarteng Marino/Bantay Salakay/Cockblockers. eto yung klase ng ligaw na meron kang kakompetensya, eto ang pinakamasaya sa lahat, pero isa din to sa mga pinakamahirap.. Nanjan ka para kay babae, magkaibigan, magbarkada o magtropa kayo, eh ang kaso, may syota si babae, may trip na iba, may sumisibak na iba o kung hindi naman, naunahan ka na ng iba na dumiskarte,, pano diskarte mo ngayon?.. siyempre hindi mawawala ang linyang "pag sinaktan ka niyan, gugulpihin ko yan" o kung hindi naman "anu man mangyari, nandito lang akong nagmamahal sayo.." o ang kagaguhang "kung ako yan, hinding hindi kita sasaktan".. masarap sa tenga pakinggan, pero kaya mo bang panindigan yang mga salitang yan?.. gugulpihin mo? para san? edi napulis ka, nandyan ka lang? panu kung may dumating bigla na iba sa buhay mo? hinding hindi mo sasaktan? ipupusta ko buhay ko imposibleng kahit sa mga maliliit na bagay hindi mo masaktan yan... karamihan ng mga babae madaan mo sa ganyan, lalu na kung yung kakompetensta mo eh pumapalya sa diskarte o nasasaktan si babae, "knight it shining armor" ka kumbaga, o kundi man "shoulder to cry on" ka ni babae, kaya malamang sa malamang, makinig yan sa mga pambobola mo. Sa diskarteng to, kung may kakompetensya kang iba, simple lang yan... timing... timingan mo na pumapalpak yung iba, timingan mo na nasasaktan si babae, timingan mo na malayo at walang magagawa yung mga kakompetensya mo, timingan mo na kailangang kailangan ng kasama ni babae at siguraduhin mong ikaw ang mauunang magprisinta sakanya.. hindi mo man madaan sa ichura dahil artistahin o mistulang macho dancer ang istura at katawan ng mga kakompetensya mo, madadaan lahat yan sa diskarteng to.. kahit may syota pa yan, pag natimingan mo na mejo sumusuko na si babae dahil ansakit sakit na at hindi na niya kaya, siguraduhin mong nandun ka para sakanya, panigurado maapreciate niya yun, saluhin mo lahat ng luha niya, magpahampas ka o magpasampal, malabas niya lang kamo lahat ng nararamdaman niyang sakit.. dahan dahanin mo hanggat sa handa na siyang magmahal uli, o kundi naman, kung malibog ka, maglasingan kayo, yung solid, hindi malabong magpasibak sayo yan bilang pasasalamat sa pagdamay mo sakanya, diskarte mo kung pano mo sisibakin siyempre, hindi naman basta basta bukaka sa harap mo yan eh.. siguraduhin mo ding kaya mong makipagsuntukan sa ex niya o sa boyfriend niya pag may nangyari pero ayos lang, panalo ka na naman eh.. ang masakit sa parteng ito eh pano kung kahit anung kabutihan at pambobola at pag alaga ang ipakita mo sakanya, eh dun parin siya sa iba? dun sa syotang nananakit sakanya na hindi niya maiwan? o dun sa isang manliligaw na bato bato ang katawan? o kundi man dun sa crush niyang hindi naman siya pinapansin?.. hayaan mo nalang, marahil ay hindi talaga siya ang para sayo, o malamang sa ngayon hindi pa niya nakikita lahat ng mga dinadanas mo para sakanya pero steady ka lang, dahil pag nasaktan yan ng todo nanaman, kung siya parin ang gusto mo pagkalipas ng panahon, edi saluhin mo parin kahit alam mong nasaktan ka na dati... true love yan ibig sabihin.. pero kung hindi ka parin nakagetover at bitter ka, humalakhak ka at sabihin mong "tangina buti nga sayo".

Suntok sa buwan.. eto yung ewan ko ba, kahit anung gawin mo, wala naman siyang manliligaw na iba, eh ayaw talagang ayaw bumigay.. pwedeng ito yung mga sobrang gandang mga nerd sa eskwela na "hindi pa daw sila ready" o kundi man eh, "ayaw pa ng parents ko".. o kundi naman yung mga alam mo naman mababait na babae at matitino pero yung barkada eh mga terorista na ayaw sayo... meron ding mga babaeng sadyang maarte lang na akala mo kung sinong maganda at choosy pa sa mga manliligaw.. meron din yung mga hindi makagetover sa mga ex nila na masaya na naman sa iba ngayon.. pwede rin namang langit at lupa ang drama niyo na dukha ka at prinsesa ang babae at kahit anung pilit ay di mo siya maabot.. pwede rin namang ibang lahi siya at ika'y hamak na pilipino lamang at hindi ka matanggap ng pamilya niya.. yung tipong suntok sa buwan... lahat ng bagay magagawan ng paraan, nandyan palagi ang banat na "hihintayin kong maging ready ka na".. pero ikaw naman tong si gago na araw araw parin magtetext at mangungulit.. o kaya "wala akong pakialam sa sinasabi nila, basta ang alam ko ay mahal kita..", okay madrama, pero ang babae makwento yan, at malamang sa malamang, nakikinig yan sa mga sinasabi ng mga kabarkada niyan, so ang dapat mong gawin, pati yung barkada niya ligawan mo rin para wala nang masabi sayo, suhol suhol lang yan.. eto hindi ko maintinndihan, yung tangina akala mo kung sinong maganda, ikaw naman hindi ka naman pangit, hindi nga lang din gwapo, tama lang, pero ayaw sayo dahil ang gusto eh yung mga machokor at sobrang gwapo.. lahat binibigay mo na, lahat sinusubukan mo na, yung mabaliw baliw ka na kakaisip kung anu pa ba ang dapat mong gawin para mapasagot siya.. pero sa huli lagi nalang wala.. anong gagawin mo?.. sa totoo lang ewan ko, sa pagkakataong to ang tanging magagawa mo lang eh kung gusto mo talaga yung babae ay ang maghintay, magpatuloy ng diskarte hanggat sa kaya mo, may puso din naman siguro yan kahit papano, pagdating ng panahon makikita din niya lahat ng ginagawa mo para sakanya, at sana pag dumating yung panahon na yun eh magawa na niyang buksan yung puso niya sayo.. pero kung matigas parin, tangina maghanap ka ng iba, yung di hamak na mas maganda at mas mabuti kesa sakanya.. Eh yung hindi makagetover sa ex na matagal na naman siyang kinalimutan? malabo to, marahil ay yung ex niya ang unang sumibak sakanya, o kung hindi naman, sinaktan siya ng solid, ewan ko ba, di ko maintindihan kung bakit yung taong ayaw na sayo hinahabol mo pa samantalang yung handang ibigay ang lahat sayo, iniichapwera mo lang?.. eto naman yung mga dayuhang choosy, bakit kayo nandito sa bansa namin kung tangina ayaw niyong makihalubilo samin? nakakagago eh sa totoo lang, dahil lang ba hindi ako singkit? hindi ako maputi? dahil hindi mayaman? kagaguhan, tao din naman kami ah, kung inaayawan niyo kami dito sa sarili naming bansa, tangina bumalik kayo sa mga pinanggalingan niyo, masyado kayong okay para dito diba?..

kalma lang tayo, relax, lahat yan magagawan ng paraan.. kesyo magkaibigan kayo, kesyo nagpasibak ka muna at hindi mo alam ang gagawin mo, kahit ganu kadami ka pang kakompetensya, at kahit ganu kahirap ang dinadanas mo... simple lang yan, sa panliligaw, wag kang umasang magiging madali ang lahat, kaya nga ligaw eh.. basta magpakatotoo ka lang, gawin mo kung anu sa tingin mo yung tama...  hindi ka man suklian ng pagmamahal, iwanan ka man sa ere, ipagpalit ka man sa iba o hindi ka pansinin, basta alam mo sa sarili mo na mahal mo talaga yung tao at hindi ka nagsisinungaling sa sarili mo... kaya yan.. makinig ka lang sa sinasabi ng puso mo, yan ang bumubuhay satin eh, panigurado hindi tayo ipapahamak niyan..


-krphclo



Tanginang mga breakup yan!

isa sa mga pinaka komplikadong bagay na pinagdadaanan ng lahat.. iba ibang tao iba ibang pakikitungo sa topic na ito... tara tingnan natin.. simple lang yan..

Pag babae ang nakipag break. litong lito si lalaki, papasok lahat ng kabutihang ginawa niya para paganahin ang relasyon nila ng babae, lahat ng effort kumbaga o lahat ng hirap at sakit na dinanas niya para sa babae.. at kung ganu niya talaga kamahal itong si babae.. at kung panu niya hindi kaya na mawala si babae... pero hindi niya maiisip lahat ng katarantaduhan at kagaguhang ginawa niya sa babae kaya siya iniwan.. maghahabol at magsusubok ayusin ang relasyon, mangangakong hindi na mauulit at magtitino na, kung kumagat si babae edi okay, pero kung hindi, wag na munang ipilit ang hindi pwede, siguro pagkalipas ng panahon pwede pa, pero habang mainit pa, wag na muna dahil magkakasumbatan at magkakasumbatan lang ng malupet lupet..

Pag lalaki ang nakipagbreak.. gulong gulo si babae, paulit ulit itatanong sa sarili kung san ba siya nagkulang, kung paano na lahat ng pangako ni lalaki dati.. kung bakit nagbago na si lalaki.. kung bakit di na siya katulad nung nanliligaw pa siya.. kung nasan na ang dating pagmamahalan.. napakadaming tanong.. pero iisa lang ang sagot, ayaw na ni lalaki, sa napakadaming dahilan na ingangawa niya sa mga kaibigan niya habang nagiinuman.. sa mga sasabihin niya sa mga babaeng dinidiskartehan niya, lahat ng pagkukulang nitong si babae kahit hindi totoo o mejo pinalala ng onti ibubunyag ni lalaki, kukuha na agad ng simpatya ng iba para merong makakaintindi sakanya pag tuluyan nang nawala.. pero sana, maisip din at tanggapin ni babae na kahit kaunti naman siguro ay may naging pagkakamali din siya, pwedeng masyado siyang nagmahal, nagbigay o nagpasibak kaya nagsawa si lalaki, ewan ko basta sa hiwalayan maglalabasan lahat ng klase ng sumbatan.. maaring hindi ganun kalala ang mga mali ni babae at nagmagaling lang si lalaki, pero maari rin namang sumusobra na si babae at hindi na kinaya ni lalaki.. pero panigurado, pag nakita niyang masaya na si babae sa iba, kahit bali baliktarin mo ang mundo, kahit konti may kabog parin yun sa puso niyang ungas na yan..

Ampangit tingnan na babae ang maghahabol pagkatapos ng hiwalayan, maliban nalang kung sobrang lalang klaseng babae siya, yung tipong nagpapasibak sa iba o yung tipong terrorista na hindi lang makareply sa text ng 5 minutes eh huhusgahan na agad si lalaki, o kundi naman yung tipong may litrato lang na may katabing kabarkadang babae si lalaki eh automatic sa lahat ng kaibigan ni babae mukha na agad katulong yung katabi ni lalaki sa litrato... yung mga ganung klaseng babae hinahayaan nalang yun, makakahanap din yang mga yan ng katapat nila.. pero pag yung babae ay maalagain, mabait, walang pagkukulang, yung tipong tamang tama na talaga para sayo, tas biglang si lalaki ay nangati at nalibugan at gustong tumikim ng ibang ulam, yun lang, masasabi nating bobo si lalaki.. pero siyempre, may kanya kanyang kwento bawat tao, may kanya kanyang pinagdadaanan at may kanya kanyang pagsubok sa buhay...

Sa tingin ko, kailangan sa relasyon ang maghiwalayan, kasi saka mo lang makikilala yung sarili mo pag nawala yung kalahati mo, ngayon susubukan mong buuin yung sarili mo ng wala siya.. pihado madami kang matututunan at magagawa magisa.. at kung sakaling gawan ng paraan ng tadhana na pagharapin kayo uli, at parehas niyo nang kilala ang mga sarili niyo at naramdaman niyong gusto niyo parin ang isat isa.. edi go, walang pumipigil sainyo.. kasi malamang sa pagkakataong to, tumanda na kayo parehas at alam niyo na siguro kung ano ang tama at mali sainyong dalawa..

simple lang yan kaibigan, hindi naman kayo maghihiwalayan kung walang nagiging alitan eh.. kung kaya pang ayusin ang alitan bago pa lumala, edi subukan na, magpakumbaba na, ganun lang kasimple yun, kesa yung magkakasumbatan pa, talaga namang lalala lang ang sitwasyon.. so kung mahal mo ang kasintahan mo ngayon at nakakarelate ka at ayaw mong umabot sa hiwalayan, magisip isip ka na..

-krpchlo