Naumpog ka na ba ng bato sa ulo?.. yung klaseng umpog na dudugo at magbubukol ang ulo mo sa sakit? yung tipong hilong hilo ka na at di mo alam ang gagawin mo?.. at sa sobrang sakit, gusto mo ipikit ang mga mata mo at wag nalang isipin ang sakit... pero kahit anung gawin mo, masakit parin talaga.. Ang mga bato talaga kakaiba, napakatigas, masakit kung ikaw ay matamaan, paminsan ay pumapasa, minsan ay pumepeklat at hindi na matanggal tanggal..
Ganyan din siguro ang mga taong bato, mga taong kulang sa pakikiramdam, walang emoyson, antigas tigas, wagas at nagmimistulang bato ang puso.. di mo alam kung nananadya o talagang ganun lang talaga sila eh.. yung pag tinamaan ka, minsan gusto mo nalang magpakalango sa alak makalimot man lang kahit konti at sandali sa tanginang sakit na yan.. kahit alam mong pag gising mo sa umaga, nandyan nanaman ang sakit, may kasama pang sakit ng ulo.. ganyan talaga eh, at tulad ng tama ng bato, pag pumeklat o pumasa, ay parang sugat sa puso, mahirap nang makalimutan o tanggalin..
May mga taong sadyang ganyan tangina, minsan anhirap intindihin kung bakit.. kung bakit hindi sila makaintindi, kung bakit sinusubukan mo na ang lahat para magpaliwanag ay sadyang hindi ka maintindihan o ang mas masakit ay pilit kang hindi iniintindi.. pride? immature? maarte? andaming pwedeng rason.. pero bakit? wala kang magagawa kung ganyan ang tao.. pero hindi mo rin naman matatanggal sa sarili mo ang magtaka at magisip.. ang maulol at mabaliw... na tangina, bakit kaya antigas tigas nitong taong to?!.. lalu na kung lahat ng klaseng pampapalambot ng puso ay sinubukan mo nang gawin para sakanya.. minsan kailangan nalang nating tanggapin na tangina meron talagang mga taong BATO.
"Bato bato sa langit ang tamaan wag magalit"
Bakit minsan, kung sino sa tingin mo yung taong makapagpapatino sayo, yung taong handa mong mahalin ng buong buo, yung taong gusto mong alagaan at respetuhin habang buhay, ay yun pa ang hindi mo mapaibig? yung tipong handa kang ibigay at gawin ang lahat para lang sakanya, handa kang kayanin lahat ng sakit at pagsubok na possible niyang mabigay sayo, alam mo sa sarili mong gusto at kaya mo kaso lang palagi ka nalang niyang itinataboy? pinapahiya at sinasaktan?.. yung minsan iniisip mo, "kaya ko pa ba?" o kung hindi man ay sarili mo na mismo ang nagsasabi sayo na "tangina maawa ka naman sa sarili mo.." at sawang sawa ka na sa mga payo ng kaibigan mo na "tama na, madaming pang iba..".. o kaya "wag nang ipilit ang ayaw.. minsan talaga kailangan ng spark.. at hindi niya makita sayo yun".. tangina lusis ba tayo para kumislap?!.. at ikaw naman si gago na nasasaktan sa isang tabi dahil alam mong wala kang magagawa kundi ang tanggapin ang mga masasakit na payong ito.. wala eh ganun talaga.. sa totoo lang mas masakit kung pati mga kaibigan mo na mismo ang nagsasabi sayo na tama na, tumigil na at nagmumukha ka na talagang tanga.. kasi kung totoong mga kaibigan yan, sasabihin nila sayo pag talagang mukha ka nang gago.. pero bakit minsan kahit anung sakit, kahit anung payong malala, at kahit anong pagdismaya sayo ng kung sino man ay meron paring bumubulong sayo na wag tumigil, ang mag tiyaga at wag sumuko.. minsan maganda yan pero minsan din ay hindi.. lalo na pag dating sa mga taong bato.. yung tipong hindi mo na alam kung anu pa ba ang pwede mong gawin, yung hindi mo na alam kung anu pa ba ang dapat mong sabihin kasi alam mo naman na sa huli ay sarili mo din naman ang sinasaktan mo, kumbaga sinaksak ka na nga, binaon mo pa lalo ang patalim sa dibdib mo.. "pare ganun ko siya kamahal" ang kadalasang banat, pero hindi mo ba naisip na marahil ay nasusubukan ang pagkatao mo dahil di mo siya makuha?.. kaya ka nagtyatyaga? kaya mo ipinipilit ang nagmimistulang imposible?.. kaya mo kinakaya ang lahat? kasi sino ba namang tao ang ayaw pumalpak?.. sabi ko nga diba, lahat naman siguro ng bagay nadadaan sa tiyaga.. pwera nalang siguro ang mga taong bato.. kasi tangina kung taong matino yan, may puso din yan, na siguro kahit sa simula ay di ka niya magustuhan, kapag naman siguro nakikita naman niya ang pagpursige mo sakanya, unti unti din naman sigurong lalambot ang puso niyan.. maliban nalang kung bato ang puso niya, yung hindi nakakaramdam.. o kung hindi naman ay nagmamanhidmanhidan.. yung tipong andami mo pang gustong patunayan sakanya, sinarhan ka na niya ng pinto... pati na rin ng bintana sa buhay niya.. wala ka nang magagawa kung ganyan.. maghanap ka nalang ng iba.. lalu na kung grabe na talaga yung sakit.. mabuti na yung alam mo na hindi ka nagkulang.. sadyang bato lang talaga siya.. humanap kamo siya ng kapwa niya bato at magkiskisan sila, baka makuha na niya yung spark na hinahanap niya..
Sa relasyon naman, minsan hindi maiiwasan ang may isang bato, pwedeng si lalaki, pwedeng si babae.. yung tipong hindi mo alam kung anu na ba ang dapat gawin sa relasyon niyo.. kasi puro nalang galit at pagtatalo ang ginagawa niyo, wala nang pakinggangan at intindihan.. puro nalang sumbatan at patigasan ang laban.. laging tandaan na sa away, laging may isang talo at may isang panalo... kawawa ang isa kung mali ang bato.. kasi pihado kahit anung pagpapaliwanag mo, hindi niya maiintindihan.. hindi maiiwasan yan, ang pataasan ng pride.. walang gustong umamin ng pagkakamali, pero siyempre, sa huli, merong magpapakumbaba, at kadalasan, kung sino pa ang tama, siya pa ang magpapakumbaba kasi nga bato itong isa.. walang pakundangan at nagtitigastigasan.. sa ganitong sitwasyon, kaya pa naman sigurong isalba yan kasi nasa relasyon naman kayo at siguro stressed lang at gulong gulo ang kasintahan mong bato sa kung anu na ba ang gusto niyang maging direksyon ng relasyon niyo, siguro quality time? pagbabalik sa matatamis na memorya ng nakaraan? isang masarap na sibakan? at kung anu pa mang pwedeng makapagpalambot sa puso ng isa.. kasi kung hindi parin umubra yan, ganap na talaga siyang bato.. yung tipong ang isa ay ginagawa ang lahat upang buhayin muli ang pagmamahalan, kinakaya ang lahat ng sakit.. at sinusubukang intindihin ang kataasan ng pride nitong isa.. ewan ko nalang.. bitawan mo nalang yang batong yan at maghanap ka nalang ng iba, dahil malamang sa malamang ay sa tingin niya ay siya na ang may ari ng mundo niyong dalawa, na kung anu gusto niyang mangyari, kailangang mangyari, nang hindi nagiisip kung anu ba ang mararamdaman ng isa.. wala na yan, wag ka na magaksaya ng panahon, wag mo na saluhin lahat ng sakit, wag mo na kunsintihin ang alam mong mali... bato yan, walang nararamdaman.. manhid, matigas, mapride.. pero sa huli, alam mo parin sa sarili mo na kaw ang tama at siya ang mali.. na tama lang na ibato mo na yang batong yan sa dagat at hayaan mo nang lumubog..
Pero minsan, nandyan din ang mga taong kahit alam na nilang nasasaktan na sila, nagmumukha na silang tanga, nasasakal na at nahihirapan na, ay pilit parin nilang tyinatyaga ang mga bato.. bakit? hindi ko din alam.. minsan kasi may mga taong kailangang maumpog muna sa semento bago matauhan.. pero tangina, pag pumeklat ang tama sayo ng mga taong bato.. hindi tulad ng pangkaraniwang peklat na pwedeng ipatanggal kay belo o kung kanino man... ang ganyang klaseng peklat, habang buhay nang magmamarka sa pagkatao mo.. hindi mo na matatanggal na minsan kang tinamaan, umumpog o humampas sa isang bato..
Grabe talaga ang mga bato.. batong manliligaw, batong nililigawan, batong kasintahan, batong kaibigan at kung anu anu pang klase ng bato sa mundo.. hindi maiiwasan ang matamaan ka ng ilan, diskarte mo kaibigan kung pano ka magpapatama at tatamaan..
-krphclo
may has matigas pa pala sa bato... bakal.
TumugonBurahin