bakit kaya ang mga ex at mga sumunod sa ex ay laging merong hindi matapos tapos na patalikod at palihim na alitan?.. bat kaya hindi maiwasan ang magkumparahan? ang maglaitan? magparinigan at magkainggitan?.. normal yan na nangyayari, siguro ay kasama na ito sa pag ikot ng mundo.. pero bakit nga ba? para san? diba parang nakakaloko isipin.. kasi wala ka namang magagawa para baguhin ang mga nangyari na eh.. o kung anu ang mga katangiang wala ka na meron yung isa.. ewan ko ba kung bakit minsan ay yung mga ganito pa ang nagdudulot ng away at kaguluhan sa mga magkasintahan.. eh simpleng bagay lang naman yan eh at kung tutuusin hindi na dapat pinapansin.. pinapalaki lang ng ilan..
X -> Y.. kadalasan, hinding hinding hindi iaamin ni ex na mas okay ang pinalit sakanya.. hahanap at hahanap yan ng butas upang mapatunayang mas okay siya kesa dun sa pinalit sakanya.. kesyo sa itsura, sa pimples sa mukha, sa pera, sa ganda ng katawan, sa pananalita at kung anu anu pang kawalangkwentahang mga bagay na makabanat lang na mas okay siya kesa dun sa pinalit sakanya... pwedeng katotohanan at pwedeng kathang isip lamang.. kung totoo man ang mga akusasyon mo, hindi mo ba naisip na kung anu man yung mga yun, hindi naging sapat yun upang iligtas o buhaying muli ang pumalpak niyong relasyon?.. magmumukha ka lang tanga, para mo lang pinatunayan sa sarili mo at sa madla na hindi ka pa over sa EX mo.. kaya nga ex diba? dapat wala ka nang pakialam kung sino at kung anu mang itsura ng kung sino man ang ipinalit niya sayo.. ang kadalasang palusot ay "concerned lang naman ako kasi all i want is the best for him/her, and I don't think na he/she is the right one for him/her" pustahan tayo tangina ang tingin mo ay ikaw ang "BEST" at wala nang ibang makakapalit sa kung anu mang nagawa o naibigay mo sa EX mo, kahit kaibigan mo pa o kakilala mo ang ipinalit sayo, patalikod o pailalim ay babanat at babanat ka parin.. nanjan din ang kaisipang "bago mo pa natikman yan, nauna na ko.." oo sige nauna ka, pero hindi ikaw ang huli, siguro sa kung sa pang indibidwal na satispaksyon ay masaya isipin na ikaw ang una sa kung saan saang bagay, kesyo unang kasintahan, halik, sibak, hawak kamay, hawak ano at kung anu anu pang una una.. oo okay isipin, nakatatak ka na habang buhay kumbaga.. pero sa relasyon, yung dalawa kayong nagmamahalan at gustong magsama habang buhay.. diba mas importante naman kung sino ang huli.. kung kanino tumigil ang lahat ng katarantaduhan, kagaguhan at kalokohan at kung san nagsimula ang kaayusan, katinuan at katapatan?..
Y -> X.. madalas din to, yung ang bagong kasintahan ay walang tigil ang pagkukumpara sakanya dun sa nauna sakanya.. yung tipong kahit mga maliliit na bagay lang pinapalaki.. o kung hindi naman, yung mga walang kwentang bagay biglang binibigyan ng kahulugan kahit hindi naman dapat.. eh ano kung siya ang unang sinibak/sumibak? kung siya ang naunang halik? kung binigyan siya ng teddy bear at ikaw hindi?.. kung siya ang naunang nakasama sa tagaytay o kung san mang lugar na romantiko.. at kung anu anu pang panunumbat na wala naman na tayong magagawa kundi ang tanggapin ang mga ito?.. ex na siya, tapos na yun, kung ano man mga namagitan sakanila, sakanila nalang yun, hindi ka kasali dun kaya wag mo nang ungkatin, ano mararamdaman mo kung ungkat ka ng ungkat tapos biglang naisip ng kasintahan mo na mas malala ka pa pala sa ex niya? na masyado kang mareklamo at hindi ka na niya maintindihan dahil wala naman nang ginagawa ang ex niya sakanya at sayo? pilit mo lang talagang inaaalala at inuungkat?.. edi talo ka?.. sa diskusyong ito, ikaw naman talaga ang panalo eh, kung kaya mong ibaon sa limot ang lahat ng kung anu mang namagitan sa kasintahan mo at sa ex niya.. kasi, tapos na siya eh, di nga siya umubra eh.. ibig sabihin, sa panahong ito, sayo nakikita ng kasintahan mo ang kinabukasan niya.. oo sige, sakanya ang nakaraan, pero nasayo naman ang kasalukuyan at hinaharap... wag mo nang ipilit kunin ang bagay na balibaliktarin mo man ang mundo ay hindi mo makukuha.. wala ding puntong lait laitin mo ang ex ng kasintahan mo dahil magsasayang ka lang ng laway... gaya ng sinabi ko sa taas, magkaibang tao kayo at kung ano siya, hindi ikaw yun... nakakagago din yun ilan na puri ng puri sa mga ex ng kasintahan nila.. "naprepretyhan kaya ako sakanya" o kaya "uy maganda kaya si ano" o kaya may narinig na din akong "ang ganda ganda kaya niya".. kadalasan yan sa mga babae, nakakaloko isipin.. kung maganda nga edi maganda, wag mo nang ipagkalat sa madla.. kasi para mo na ring niloloko yung sarili mo.. gusto mo bang masabihan o mapagisipan ng ibang tao na "oo nga, ang ganda nung ex nung boyfriend niya ngayon"?.. kung artistahin ang dating mo at alam mong mas maganda ka talaga edi good, eh pano kung mejo mas maganda nga ng onti sayo? edi para mo na ding nililibing ang sarili mo?.. pwede namang wag nalang pansinin, or kung napansin mo man, sayo nalang yun, wag ka na maghanap ng kakampi o ng taong makikipagplastikang sabihing mas maganda ka kahit hindi naman talaga.. basta ang importante, dati na siya at ikaw ang ngayon.. sa mga kalalakihan naman, hindi matatanggal ang paangasan, paastigan at palakasan.. uso ang mga banat na "bading naman yung ex niya eh" o kaya "kayang kaya ko namang saktan o gulpihin yung ex niya eh".. pwede ring "ang lamya lamya naman ng itsura ng ex niya..".. at kung anu anu pang klaseng pisikal at berbal na kasakitang pwedeng maidulot niya dun sa ex ng kasintahan niya.. "tangina kahit ganu ka pa kagwapo o kamacho, sa suntukan at sakitan tangina hindi kita aatrasan..".. okay na na alam mo sa sarili mong kaya mo, wag mo na ipagkalat o ipagmayabang dahil magmumukha ka lang mayabang at pacool, maangas at ulul.. pag lalaki sa lalaki ang away, harapan dapat ang laban, hindi yung puro nalang backstabban.. so kung sakaling may problema ka sa ex ng girlfriend mo, harapin mo siya.. pero siguraduhin mong may problema talaga, hindi yung makapagangas lang.. kasi kung wala naman talagang problema at nag aangas ka lang, magmumukha ka lang gago sa harap ng madla..
Simple lang yan, ang nakaraan ay nakaraan na, ang nangyari ay nangyari na, ang mangyayari ay mangyayari palang.. kung ano ang binitawan mo at wala na sayo wala na.. at kung hawak na ng iba, hindi mo na basta basta makukuha yun, at kung panu hinawakan yan ng iba, siguradong hindi parehas yan sa hawak na gawa mo ngayon.. pwedeng mas maayos pwede ring hindi.. so kung nakakarelate ka, magisip isip ka na..
-krphclo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento