Sabado, Hulyo 14, 2012

Prom-Dee-Prabins..!!


Ano nga ba ang iba sakanila? ano ang meron sila at bakit minsan ay napakalakas ng kamandag nila? yung huling huli ka agad, sa hindi mo malamang dahilan.. kung bakit gumagaan ang loob mo pag dating sakanila.. para sa mga taga siyudad na hindi sanay manligaw o makakilala ng mga babaeng nanggaling sa kung san mang sulok ng pilipinas, simple lang yan, humanda ka nang mahirapan..

Malamang sa malamang ay lumaki siya sa isang mabuti at konserbatibong pamilya, yung tipong sanay sa simpleng buhay lang, wala gaanong arte, yung tipong basta masaya, okay na.. Panigurado na dahil sa ganung klaseng paligid siya lumaki kaya't siya ang babaeng iniibig at ginigiliw mo ngayon..

Ngunit ano ba talaga ang meron sakanila?

Kakaibang pananaw sa buhay.. hindi ito yung tipo ng babaeng madali mong mauuto, kasi sa totoo lang, akala ko dati mas madali manligaw ng probinsyana, tangina yun pala hindi.. Sa napansin ko, ibang iba ang pananaw nila sa buhay kumpara sa mga pangkaraniwang babae dyan sa tabi tabi, madiskarte sa pera, hindi ganun kaarte, minsan barabal kung magsalita, minsan naman sobrang hinhin, karamhian matapang, kakaiba ang kagandahan, kadalasan ay konserbatibo, kung uminom parang lassinggero at hindi mapatumba, hindi madaling bolahin at lalung hindi madaling paibigin.. kumbaga, marahil ay sila yung tipong mga klase ng babae na, ansarap sarap pakisamahan, ang sarap maging kaibigan, ang saya saya kasama.. yung tipong sobrang nakakagaan ng loob.. yung tratratuhin mo talagang tunay na kaibigan, o kung hindi naman, higit pa dun..

Iba ang dating.. hindi maiiwasan sa lalaki ang magpaimpress pag makikipag date, pinakamagandang damit, pinakamabangong pabango, pinakamalupet na pampatuyo ng kili kili, pinakamaporma at pinaka maingay na tambuchong kotse, at kung anu anu pang pwedeng ipagmayabang.. pero importante ba talaga ang pagyayabang? siguro sa mga babaeng madali at pasibak oo madadaan mo sila sa ganyan.. pero yung mga probinsyanang matitino? marahil ay hindi, iba ang dating nila eh, yung tipong simpleng trip lang, magbike, maglakad sa palayan, pumunta sa dagat, kwentuhan lang, mag karaoke hanggang umaga, saktong tambay, yung tipong kahit alam mong mejo boring, pero pag sila kasama mo, iba ang dating kumpara sa pag lalakad sa mall o sa panonood ng sine o kung anu pa mang mga pangkaraniwang trip..  kasi alam mo na sa ganitong paraan, unti unti mo silang nakikilala ng mabuti.. at yung akala mong boring ay nagiging masaya.. dahil malamang sa malamang, hindi ka naman siguro magaaksaya ng panahon manligaw ng matinong probinsyana kung sisibakin mo lang at iiwan eh, andami niyan diyan sa tabi tabi, demonyo ka nalang kung ganun ang pakay mo sa isang mabuting babae.. marahil ang dahilan kaya ka nagtyatyaga na mapaibig sila, kasi iba ang dating nila kumpara sa iba...

Wagas na pananalita.. hindi pangkaraniwan sa isang babae ang malakas ang boses, maingay, kalog at kakaiba kung magsalita, lalu na kung lumaki ka sa siyudad na ang uso ngayon ay pagalingan mag taglish ang mga tao, at malamang sa malamang, naranasan mo nang paulit ulit basahin at icheck ang english mo sa text pag may dinidiskartehan kang babae sa eskwela o kung may katext kang nakilala mo sa bar na gusto mong sibakin.. isa sa mga pinaka malupet na katangian ng mga babaeng galing probisnya ay ang kanilang pananalita, dalawang klase yan, meron yung mahinhin at mahiyain, pero ang kadalasang nakakdali sa mga lalaki ay yung mga matitigas mag magsalita, yung tila pabalbal na paminsan, malalakas ang boses, at yung mga malakas mambara.. habang nananatili parin silang kagalang galang.. bakit kaya? siguro kasi alam mong natural sakanila yung ganung klaseng pananalita, at nakakatuwa kasi babae sila, isipin mong mabuti, kung nakakarelate ka dito, yung feeling na nagsasalita palang sila napapangiti ka na, kahit hindi ikaw ang kausap.. parang ang kyut na ewan.. nakakabighani.. wagas..

Pahirapan kung pahirapan.. mahirap talaga, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.. mapapangiti at mapapangiti mo sila sa mga simpleng bagay, simpleng effort, simpleng regalo, simpleng mga salita, pero sa pagkakaalam at napagdaanan ko, hindi mo pwedeng isipin na sa mga ganyang bagay mo siya madadaan.. sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anu ba talaga ang kailangang gawin.. pero iniisip ko nalang na siguro, seryoso ang tingin nila sa mga manliligaw nila, hindi man sila namamansin o binabalewala ka lang, marahil ay hindi nila sa material na bagay sinusukat ang panliligaw mo, kundi yung katatagan mo bilang tao, yung pananaw mo sa buhay, yung lakas ng nararamdaman mo para sakanila, kung ano ang possibleng kinabukasan nila sayo, yung tipong hindi panlaro larong relasyon lang, malamang ay siguro iniisip nila na kung pagbigyan ka nila ay dapat lang na mapanindigan mo lahat ng ginagawa at sinasabi mo hanggang sa altar.. kaya ikaw kaibigan, kung nakakarelate ka at gusto mo talaga, humanda kang masaktan, magtyaga at magbago para sa ikabubuti mo.. para kung sakaling makita niya na totoo talaga at wagas ang nararamdaman mo para sakanya.. malay mo magiba ang ihip ng hangin..

Minsan nga lang, kung tayong mga simpleng lalaki lang ay hindi sanay sa mga babaeng galing probinsya.. sila din marahil ay di sanay sa mga lalaking taga siyudad.. meron sigurong iba na madaling magkagusto sa lalaking sobrang gwapo, o kundi naman sobrang macho, o kaya naman yung sa babae lang mabait pero pag wala na yung babae ubod na ng yabang.. pero alam ko naman na siguro hindi naman sila basta basta magpapadala sa mga ganun, siguro "crush".. pero yung maiinlove dahil lang sa mga ganun at walang effort?.. mejo sampal sa mukha nung mga nageeffort ng todo para sakanila subalit iniichapwera lang nila.. kasi kahit baliwalain mo yang mga tunay na nagmamahal sayo, pag makita nilang nasasaktan ka o sinasaktan... nasasaktan din yang mga yan para sayo.. ganun ka niya kamahal.. hindi mo lang alam.. o hindi mo lang napapansin.. o ang malala, hindi mo lang pinapansin..

Hindi ko naman sinasabi na probinsyana lang ang karesperespeto at kagalang galang na babae, madaming ganyan, mahirap nga lang hanapin.. at kung sakaling ikaw kaibigan ay nakahanap na, wag mo basta bastang pakawalan, tyagain mo lang, kung sigurado ka sa nararamdaman mo, lahat ng hirap at sakit ay karapatdapat lang na pagdaanan kung talagang mahal mo talaga yung babae.. naiintindihan kita.. hindi man sa probinsyana, marahil ay sa malapit na kaibigan, sa dating kaklase, kabarkada, katrabaho o kung anu pa man, madaming ganyang klaseng babae... nagkataon lang na probinsyana ang nakahuli sa puso ko..

-krphclo




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento