Isang simpleng salitang nagbibigay ng napakaraming problema sa mga taong nagiibigan at nagliligawan.. bakit kaya?.. iba ibang relasyon, iba ibang pakikitungo sa konsepto ng distansya.. merong mga kinakaya, merong mga sinusubukang kayanin, at meron din namang mga sumuko na.. ngunit ang malala ay yung mga nagsusukusukuan lang.. tara pagusapan natin ang mga kagandahan at kababalaghan ng pagkakaron ng distansya sa taong minamahal mo..
Una na dito ang pagpapatunay ng tunay mong nararamdaman para sa taong yun.. madali sabihing mahal mo ang isang tao, lalu na kung madalas o araw araw mo siyang kasama.. eh pano kung nagkaron ng distansya?.. yung tipong distansyang alam mong walang paraan para pisikal kayong magsama?.. magaabroad kuno si lalaki para mag aral o magtrabaho o kundi naman magmimigrate si babae sa kung san mang lupalop ng mundo.. paano na ang relasyon at pagiibigan?.. kung sa tingin niyong dalawa ay tunay ang inyong mga nararamdaman, edi sige, sabay kayong sumugal at magtulungan upang panatiliing tapat at totoo ang inyong pagmamahalan.. eto ang magtutulak sa isa't isa na gumawa ng paraan upang kayo'y magkitang muli, maaring tatlo o isang beses sa isang taon ay magdalawan, o kung kelan pagbigyan ng tandhana, yung tipong sa sobrang mahal mo yung tao, mabigyan ka lang ng oportunidad na makita siyang muli ay papatusin mo na, anuman ang maging kapalit.. yan ang tunay na pagiibigan, walang sinusukat na oras at distansya.. kung mahal mo mahal mo, walang kaso kaso, walang pero pero.. basta mahal mo.. malamang lamang kung manatiling tapat ang inyong pagmamahalan sa isa't isa, ay sulit ang lahat ng sakripisyo sa huli.. subalit pano kung merong nagiba ang nararamdaman dahil sa distansya o sa takot sa mga posibleng bagay at kalungkutang maidudulot nito?.. normal lang yan, naiintindihan kita, sino ba naman ang hindi maprapraning diba? katarantaduhan yun pag sinabi mong ayos lang na magkakalayo kayo ng kasintahan mo at wala man lang kabog sa dibdib mo, ano ka bato?.. normal sa tao ang matakot, lalu na kung para sa kapakanan o ikabubuti ng minamahal mo.. siyempre ang hirap isipin na wala ka sa tabi niya kung sakaling biglaan ka niyang kailanganin at walang paraan para mapuntahan mo siya.. ansakit isipin na parehas niyong kailangang magenjoy at magsaya sa buhay ng wala sa piling ng isa't isa.. oo pwedeng magkwento, pero iba parin yung magkasama kayo diba?.. ang hirap din na may mga bagong bagay kang nalalaman, nagagawa at natutunan at naiisip mo na sana kasama mo siya sa bagong yugto na ito ng buhay mo.. subalit wala kang magawa dahil nga sa tanginang distansya na yan.. mga simpleng bagay palang yan kaibigan, kumbaga eto yung mga pagsubok na pagdadaanan niyo sa mga sarili niyo palang.. wala pang nadadamay na ibang tao.. ibig sabihin, kung dyan palang ay suko ka na, pwes makipaghiwalay ka na ngayon din, dahil ipupusta ko ang etits ko, kung dyan palang ay olats ka na, anu pa dito sa susunod?..
Temptasyon.. kadikit ng distansya sa relasyon ang temptasyon.. yan ang unang papasok sa utak ng kung sino mang sasabak sa ganitong klaseng relasyon, "tangina andaming iba run, kakayanin kaya niyang hindi mangaliwa?".. yan ang karaniwang tanong.. ang sagot? iba iba siyempre, depende sa tao, sa sitwasyon at sa pundasyon.. kung ang kasintahan mo ay kilalang chickboy o pasibak bago maging kayo ay kabahan ka na, dahil pag nagkadistansya na, hindi malayong single na uli ang tingin niya sa sarili niya at iiwan ka sa kabilang dako ng mundo na nauulol at nababaliw kung anu na ba ang ginagawa niya.. kung ganyan lang din, sa simula palang maghiwalay na kayo.. dahil sigurado ako, pag pinagpatuloy niyo na ganyan, sa hiwalayaan din ang uuwian niyan, magsasayang nalang kayo ng oras na magkunwaring ayos parin ang relasyon niyo kahit na ang isa ay nangangaliwa na at ang isa naman ay ngawa ng ngawa sa mga kaibigan niya ng kung anu anung kapraningan tungkol sa dun sa isa.. sayang oras, sayang luha, sayang yung saya at higit sa lahat, sayang laway ng lahat ng taong madadamay.. tapusin niyo na simula palang para move on na, tutal naman bumigay na kayo sa konsepto ng distansya.. hindi maiiwasan ang magandahan, magwapuhan, malibugan o masexyhan sa ibang tao, tangina may mata tayo eh, malamang sa malamang ay nakakapansin tayo o nakakaapreciate ng mga bagay na sa tingin natin ay kaakit akit at kapansin pansin.. samantalang ang mga ari naman natin ay may sariling mga utak, hindi naman natin makokontrol kung kelan titigas ang titi natin o kung kelan mababasa ang puke ng mga babae eh.. hindi mo naman sa ganyan masusukat ang tatag ng nararamdaman mo para sa kasintahan mo eh, porket ba nagandahan ako at nalibugan sa isang babaeng talaga namang maganda at mala porn star ang dating ng katawan eh hindi ko na mahal ang kasintahan ko? pag ang babae ba ay nagkacrush at naglaway sa lalaking gwapo at mala macho dancer ang katawan eh niloko na niya ang kasintahan niya?.. ang bobo ng mga ganun magisip.. sinibak ba? may nangyari ba? kung wala naman edi paghanga lang yun, crush lang kumbaga.. sa ganyang sitwayson kasi, mata at ari mo ang bumubulong sayo.. nasa sayo nalang kung susundin mo yan at babaliwalain ang sinisigaw ng puso't isipan mo.. na walang iba kundi ang minamahal mo..
Sipag, tyaga, kontrol at diskarte.. pag may distansya, malamang mamimiss mo yung kasintahan mo, pag miss mo, hindi naman pwedeng ikaw lang ang nakakamiss, malamang sa malamang ay miss ka din ng kasintahan mo na nasa kung san mang panig ng mundo.. maliban nalang kung ang isa sa inyo ay nabiktima na ng temptasyon.. kung miss mo, hindi naman pwedeng hanggang dun nalang yun, siyempre gagawa ka ng paraan para mapawi kahit konti yung pagkamiss niyo sa isa't isa.. hindi man kayo bigyan ng tadhana ng pagkakataon para magkita, madami pang ibang paraan para maiparamdam niyo ang pagmamahal niyo para sa isa't isa kahit magkalayo kayo.. madadaan natin yan sa simpleng sipag at tyaga.. kung hindi maarte ang karelasyon mo, sapat na yung mga maliliit na bagay.. hindi naman na kailangan minuminuto kayo magkachat o oras oras nalang magkaskype, jusko may kanya kanyang buhay din naman kayo, saka kahit papano, mas okay din yung kahit konti ay nagpapamiss kayo sa isa't isa.. okay na yung tatlo o apat na beses sa isang linggo ay magskype kayo, o kundiman magchat kayo ng malupet lupet pag nabigyan ng magandang timing, pero wag naman yung ipipilit yung hindi pwede, hindi na love yun, obsession at kabaliwan ang tawag dun.. syempre may kanya kanya din kayong mga buhay sa magkabilang sulok ng mundo, kung isesentro niyo lang din sa relasyon niyo, edi para na ding hindi kayo naghiwalay.. wala lang din mangyayari sainyo.. hindi kayo tatanda dahil ang labas ay nakasandal parin kayo sa isa't isa.. diba mas maganda yung kahit magkalayo kayo, at alam niyong buong buo parin yung pagmamahal niyo sa isa't isa, ay parehas kayong nagmamature mag isa para pag dumating na yung panahon na magkakasama na kayo uli, mas kilala niyo na yung sarili niyo.. at saka niyo pagsamahin ang mga natutunan at pinagdaanan niyo at ngayon kayo humarap sa mga bagong pagsubok na sa tingin ko naman ay kakayanin niyo, ika nga ni papa Derek Ramsay sa pelikulang once more chance diba.. "It takes grown ups to make relationships work..".. malayo, malapit, mahigpit, maluwang at kung anu pa man, pag parehas kayong mature magisip, lahat kakayanin niyo.. parang resume lang yan, diba mas may pag asang matanggap ang aplikanteng maganda ang mga kredensyal? mas madaming napagdaanan? at mas madaming pagsubok na tinumbok?.. ganyan din sa relasyon, mas matatanggap niyo ang isa't isa anu man ang inyong mga pagkukulang at pagkakamali pag madami na kayong pinagsamahan, yung napakahaba na ng listahan na yaw mo nang basta basta itapon lang.. lahat naman ng bagay napaguusapan eh.. mabaog na ko kung hindi pero panigurado ay uubra yan kung parehas kayong mature.. tamang sipag, tyaga, kontrol at diskarte lang yan..
Sugal.. eto ang pinakamasakit at nakakaulol na klase ng distansya.. yung nagsisimula ka palang pumundar ng pundasyon dun sa trip mo, yung magsisimula ka palang manligaw.. tas sa di inaasahang pagkakataon biglang kailangan umalis ng minamahal mo... nakakulol, nakakadepress at nakakabaliw.. hindi maiiwasan ang tanong na "pano na?".. pano na nga ba? kanya kanyang sugal yan kaibigan.. nasa sayo yan, pwedeng sundan mo at dun ka magsimula ng panibagong sugal sakanya.. pwedeng itigil mo na at sumugal ka nalang sa iba.. pero ang pinakamalupet na sugal kung mahal mo talaga yung tao ay yung sugal sa hintayan, maghintay ka, pero wag kang magpakaulol na naghihintay lang at walang ginagawa.. ang magandang gawin ay ayusin mo kung anu man ang pwedeng ayusin sa sarili mo, at gawin mo to para sarili mo, hindi para sa hinihintay mo.. para kung sakaling makakilala ka ng panibago o bumalik na ang trip mo, alam mo sa sarili mo na handang handang handa ka na talaga sa buhay.. kasi isipin mo, kung sa tinagal tagal na naghihintay ka, at lahat nalang ng ginagawa mo ay inialangalang mo sa hinihintay mo, tas bumalik siya at may iba na pala, bumalik sa ex, kinasal na sa foreigner, nabuntis o kung anu pa mang kasakitan ang pwedeng isampal niya sa mukha mo, edi talong talo ka?.. iiyak iyak ka.. sayang ang lahat? magsisisi ka, at kung anu anu pang pagngangangawa.. yan kaibigan ang mga bagay na sinasabi kong ayusin mo habang naghihintay, dapat ihanda mo ang sarili mo sa mga ganyang bagay para pag hinarap sayo yan ng pagkakataon, handa ka at alam mo na kung ano ang gagawin mo.. kung umuwi siya at ayaw niya parin sayo o may iba edi fine.. simple lang yan pre, wala kang choice kundi kayanin ang sakit na mawawala ang nililigawan mo, masakit na nga eh, gagatungan mo pa ba? maghanap ka ng alternatibong gagawin o aaliw sayo.. kumbaga, gumawa ka ng buhay mo habang wala siya.. gawin mo siyang inspirasyon pero wag mo sakanya isentro ang buhay mo, kasi unang una, manliligaw ka palang, yun palang sugal na, at kung pipiliin mong maghintay, panibagong sugal na naman yun.. at kaibigan, alam naman natin na pag sa sugal ay greedy ka at all in ka ng all in ng hindi nagiisip, ay wala kang mararating... ganun din sa panliligaw. pag bigay ka ng bigay ng hindi nagiisip at nagkakalkula ng mga dapat mong gawin, papalpak at papalpak ka lang..
Napakalakas ng distansya.. kaya nitong buuin o sirain ang relasyon mo, kayang kang pasayahin at paiyakin, at kaya kang bigyang ng sakit at sarap.. depende sa kung paano mo aakapin ang konseptong ito, kung tratratuhin mo ba itong pagsubok o panira sa relasyon mo.. isang bagay palang yan kaibigan, distansya palang yan, kung dyan palang ay susuko ka na at panghihinaan ng loob.. yung dyan palang ay naaaning ka na at hindi ka na makapagisip ng maayos para sa relasyon niyo.. yung diyan palang ay magngangangawa ka na at magpapakaimmature, pwes magisip ka na.. andami dami pang problemang higit pa sa distansya.. kung diyan palang suko ka na, edi hanggang diyan nalang pala yung nararamdaman mo para sa minamahal mo?.. wala ka pala eh..
-krphclo
I'm smiling while I'm reading this. I've been there and experienced it. Nonetheless, agree ako sa mga sinabi mo. Alam mo yung pareho tayong mag-isip? Hahaha! Thumbs up for this! Good job! :)
TumugonBurahinThanks! more posts coming soon! :) if you have topics/problems na gustong pagusapan just leave a comment and we'll see kung anu bang masasabi dyan.. :) laaht naman ng bagay simple lang :)
TumugonBurahin