Huwebes, Agosto 9, 2012
Limang Daan!!
Salamat sa mga nagbabasa! di ko inakalang aabot ng limang daan ang magbabasa ng mga sinusulat ko!! lalu na sa loob ng tatlong linggo!! Maraming salamat!! sana may napupulot kayong aral dito sa mga pinagsususulat ko..
Gamit ang limang daang salita, sabay sabay nating bigyang deskripsyon ang nararamdaman natin, para sa mga kasintahan natin, kesyo malabo o magkalayo kayo, sa mga nililigawan natin, keso maganda o mejo pumapalya ang lagay mo at sa mga ex natin, kesyo okay o bitter kayo sa isa't isa..
Sadyang ganyan ang pag ibig, hindi maintindihan, kung bakit ka napapasaya, napapangiti, nasasaktan at naapektuhan nito.. kailanman ay walang eksaktong depinisyon ang salitang yan, dahil alam natin na kung anu man ang mga nakasulat sa diksyunaryo at sa kung anu mang mga kasulatan katulad nito na depinisyon ng pagibig ay pawang mga salita lamang.. dahil ang tunay na ibig sabihin nitong salitang ito ay hindi nababasa at naituturo ng basta basta.. upang maintindihan ng buong buo ang salitang yan, kailangang maramdaman muna natin.. ngunit paano mo ba malalaman kung pag ibig na nga ba yang nararamdaman mo?.. siyempre kailangan ng isa pang tao dahil di mo mararamdaman yan ng magisa ka lang.. pwedeng sa kasintahan mo o kaya sa nililigawan mo.. pwede rin naman ex mo kung di ka parin over sakanya.. basta't merong isang tao na hindi mo maintindihan kung bakit iba ang kabog ng puso mo pag kaharap mo siya o kahit mabanggit man lang siya sa kung anu mang usapan.. yung taong una mong iniisip pag gising mo at huli mong iniisip bago ka matulog.. yung taong alam mong kahit anung pagsubok basta hawak mo ang kamay niya ay kaya mong harapin... yung taong nagpapalakas ng loob mo araw araw.. yung inspirasyon mo sa buhay.. ang dahilan kung bakit ka gumigising araw araw at nagsisikap kang maging mabuti at mapalad para mapakita sakanya na kaya mo siyang mabigyan ng magandang kinabukasan.. sa madaling salita, yung taong sinasabi mong "mahal" mo.. iba't ibang tao, iba't ibang depinisyon ng salitang yan, kasi naman, siyempre magkakaiba tayong lahat ng mga pinagdadaanan pag dating sa mga ganyan.. binabahagi ko lang ang nararamdaman ko para dun sa taong nagbigay inspirasyon sakin na magsulat nitong mga katarantaduhan kong ito.. kaya't kung nakakarelate ka diyan sa mga sinabi ko, siguro, marahil, malamang at datapwat ay kung sino man yang taong iniisip mo ngayon habang binabasa mo itong mga salitang ito ay ang taong sinasabi mong "mahal" mo.. kahit ako di ko masabi kung anu ba talaga ibig sabihin niyang salitang yan eh, mahirap kasi magbitaw ng salita na hindi mo rin naman kayang panindigan.. basta ang alam ko, kung anu man yang nararamdaman mo para dun sa taong iniisip mo ngayon ay hindi pangkaraniwan, kakaiba at bukodtangi kumpara sa mga pangkaraniwang tao sa buhay mo.. kaya't pag dating sakanya ay nagmimistula kang romantiko, na lahat ng maisip mong bagay na maaring magbigay depinisyon sa salitang "pag ibig" ay gagawin mo.. ang paglutuan siya, ang kamustahin siya, ang magbigay ng kung ano ano, ang magmukhang tanga mapangiti lang siya, dalhin siya kung san san, puntahan siya san mang lupalop ng mundo siya naroroon at kung anu anu pang ibang bagay na pwedeng magpaliwanag sakanya na talaga nga namang "mahal" mo siya.. ngunit sapat na ba yan? sa iba siguro oo, pero may ilan rin na sadyang pahirapan.. sa sirkumstansya, sa distansya at sa diskarte.. sabay sabay nating subukan kung hanggang san tayo dadalhin ng tadhana sa paghahanap ng tamang depinisyon ng salitang "pagibig" para sakanya..
sakto limang daang salita nakakaduling bilangin.. kung nakarelate ka.. astig! di ako nagiisa..
Maraming salamat dun sa unang limang daang taong nagbasa ng mga kabaliwan at kauulan ko sa buhay!!
-krpchlo
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento