Linggo, Agosto 5, 2012
"Tadhana o Ikaw?"
Andaming pwedeng ibig sabihin ng salitang tadhana, andaming maituturo at maipaliliwanag nito sa buhay ng isang tao kung nasa tama kang pagiisip.. hindi malayong nasa tamang pag intindi nitong salitang ito maibabase ang kasiyahan at kalungkutan ng isang tao..
Hindi ka ba nagtataka kung bakit paminsan ay nangyayari ang hindi inaasahan?.. ang wala sa plano? ang biglaang trip?.. minsan ay nakakabagabag isipan, na tangina, pag sa pagibig, yung tipong sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinamaan ka sa taong hindi mo naman insaasahang magugustuhan mo?.. yung tipong litong lito ka kung bakit dito sa taong ito, anlakas ng tama mo?.. o kung hindi naman, kung bakit ayaw sayo ngayon ng nililigawan mo? o kung bakit ka ipinagpalit ng kasintahan mo sa iba?.. kung bakit wala sa tamang direksyon ang buhay mo ngayon?.. andaming tanong, andami ring pwedeng sagot, pero isa ang nasisigurado, kung anu man ang nangyayari ngayon, nakasulat na yan sa tadhana at panigurado ay meron kang mapupulot na aral sa bawat sirkumstansyang pagdadaanan o pinagdadaanan mo..
Pero diyan nalang ba natin iaasa ang lahat? na nakasulat na ang lahat? lalu na pagdating sa pagibig na andaming pumapalpak?.. sino ba ang dapat sisihin sa mga kapalpakan sa buhay? ang tadhana ba o ang sarili mo?..
Sa ligawan.. tangina minsan ang sarap murahin ng tadhana, ansarap iumpog sa pader at suntuksuntukin.. na tangina, bakit paminsan grabe na ito magpahirap.. yung tangina nakakagago na na parang minsan nararamdaman mong pinagtritripan ka na nito.. kasi pag nanliligaw, hindi mo maiiwasan ang umasa at mapaasa ng hindi mo namamalayan.. at minsan, hindi mo na maintindihan kung anu ba talaga ang gustong mangyari ng tadhana.. pag ganyan, masasabi ko na tangina hanggat kaya mo pa, wag kang basta basta titigil at susuko, dahil marahil ay sinusubukan ka lang ng pagkakataon.. kung ganu kagrabeng sakit ang kayang tyagain ng nararamdaman mo para sakanya.. kung ilang beses mo kayang tumayo matapos kang bumagsak at itulaktulak sa lapag.. kung hanggang san ang kaya mong abutin mapatunayan lang ang nararamdaman mo para sakanya..makitid ang utak mo kung kaunting hirap lang ay susuko ka agad, kasi kung mahal mo talaga at gusto mo talaga yung tao, sasabayan mo ang tadhana sa pagsulat ng kapalaran mo.. kasi hindi mo naman pwedeng iasa sa tadhana lang ang lahat.. kung wala kang gagawin, wala kang mapapala.. kung susuko ka agad, wala kang mararating.. kung hindi ka susugal, wala kang mapapanalunan.. at kung pumalpak ka man, meron at meron kang mga matutunang bagay.. na marahil ay sa oras na yan ay hindi siya ang nakatakda para sayo.. kung bakit di ka pinapansin ng nililigawan mo, kung bakit deadma lang siya sa kung anu mang effort mo, kung bakit tingin parin siya ng tingin sa malayo samantalang nakatayo ka naman sa harap niya.. marahil ay hindi kayo ang para sa isa't isa, pero pwede rin na hindi pa oras para maging kayo, siguro kailangan munang masaktan sa iba ng isa? o kaya magkaron ng iba ang isa at malaman niyang yung nauna parin pala?.. andaming pwedeng mangyari.. malakas mantrip ang tadhana, sa iba't ibang klaseng paraan, kaya nitong biglang baliktarin ang sitwasyon..
Sa relasyon.. sa panahon ng pagaaway at pagdududa, hindi matatanggal sa isip natin ang isuko nalang ang lahat at makipaghiwalay.. ang magalit at hindi magkaintindihan.. ngunit hindi niyo ba naisip na ang bawat pagpatawad mo sa kasintahan mong nagkasala ay pagsubok sainyo ng tadhana?.. na bawa't kasalanang ginagawa niyo sa isa't isa ay tinakdang mangyari para matuto kayo?.. na tadhana na mismo ang nagsasabi sainyo na may mali at kulang sa relasyon niyo?.. sa iba't ibang klase ng sirkumstansya lumalabas ang mga pagsubok satin ng tadhana, marahil ay sa temptasyon, sa selos, sa kasakiman, kakulangan ng intindihan, kakitiran ng utak at kung anu anu pa na pwedeng magdulot ng away sa pagitan niyo.. putang ina ng mga taong umaasa sa linyang "lalamig din ang ulo niyan, makakalimutan niya rin ang kasalanan ko".. o kaya "di naman ako matitiis niyan eh, makikipagayos din yan".. maliban nalang kung ang isa sainyo ay tinakda talagang maging tanga't bobo at magpatawad ng walang klarong paliwanag.. minsan kasi hindi naman pwedeng magpadala nalang palagi sa nararamdaman, kasi sa ganyang paraan, parehas kayong walang matututunan, lalaki lang ang ulo ng isa at ang isa ay magmumukhgang tanga't kawawa sa harap ng madla.. sa mga nagkasala, naiintindihan ko kayo, lalu na sa pagdating sa temptasyon, darating yan, marahil ay kakagat ka.. isa, dalawa, tatlo o kung ilang beses man.. mahirap pigilan.. masama sa tingin ng iba siyempre.. pero wala eh, malamang ay sinadyang iharap sayo yung mga ganyang klaseng bagay para may matutunan ka, siguro para pag dumating na yung sa tingin mong para sayo na talaga, ay tapos ka na sa mga ganung klaseng kagaguhan at handa ka nang magseryoso ng tuluyan.. sa tingin ko, mas okay na yung ganyan kesa naman yung magmamalinis ka sa simula tas sa huli ka magloloko.. kanya kanyang oras lang yan, may mga pinagpala lang talaga na maagang sinubukan at natuto.. sa mga napagkasalaan naman, oo may karapatan kang magalit.. at malamang ay may kakayahan ka ding magpalawak ng isipan.. marahil ay wala kang nang magagawa kung ganyan ang isinulat na kapalaran ng relasyon niyo, lalu na kung lahat ng klase ng pagliligtas at pagiintindi ay ginawa mo na maisalba lamang ang pumalpak na relasyon.. kung ganyan nga, siguro ay hindi nga lang talaga kayo ang para sa isat isa.. at may ibang karapatdapat sa damdamin mong binabaliwala niyang kasintahan mo..
Kung kayo talaga ang nakatakdang magkatuluyan, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan upang pagtapuin kayo ulit, sa tamang oras at sa tamang lugar.. manliligaw ka mang pumalpak o dating karelsayong pumalpak.. at sa pagkakataong iyon, siguro naman ay maitatama mo na ang mga naging mali mo dati.. ang bobo mo nalang kung mga parehas na bagay parin ang isasablay mo..
sa pagkakaintindi ko sa salitang to, bibigyan ka nito ng pagkakataon, ng perspektibo sa buhay, ng target kumbaga, ng inspirasyon, ng mga pagsubok at ng kung anu pa man.. nakatadhana ang mga resulta at konklusyon, pero kung panu mo mararating ang mga yan ay nakadepende parin sa diskarte mo..
Pansinin mo ang pagpapel ng tadhana sa iba't ibang klaseng sitwasyon.. yung magkakaron at magkakaron ka talaga bigla ng dahilan at paraan para dumiskarte at manligaw.. magpatawad o manghingi ng tawad.. ang lumapit at makipagusap.. ibibigay sayo ng tadhana ang pagkakataon, diskarte mo kaibigan kung ano ang gagawin mo.. kung pumalpak ka man, malalaman mo siguro ang sagot kung sino ba ang dapat sisihin kung bakit hindi ka naging masaya... ang tadhana ba o ang sarili mo?.. kaya kung nakakarelate ka, magisip isip ka na..
-krphclo
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento