Lunes, Agosto 13, 2012
Tanginang mga ipis yan!
Takot ka ba sa ipis?..
Madaming iba't ibang klaseng ipis sa paligid, may lumilipad, may gumagapang, may pilay, may kuba, may buntis, may kakaiba ang itsura at kung anu pa mang iba't ibang klaseng kategorya at spesimento ng ipis meron sa mundong ito..
Maihahantulad natin ang takot natin sa ipis sa kaduwagan pag dating sa pag ibig.. habang nanliligaw o habang may relasyon.. mga desisyon at reaksyon.. kung gagawin ba o hindi, kung tama na ba o tuloy pa.. tulad ng mga ipis, ang mga kaduwagan natin pag dating sa taong minamahal natin ay palidig ligid lang diyan sa tabi tabi.. minsan hindi napapansin, minsan iniiwasan at tinatakbuhan.. tanginang mga pesteng ipis, kung wala kang lakas ng loob na tapakan yan o hampasin ng kung anu man ay mananatili yan sa paligid at mabibigyan ng pagkakataong magparami.. tulad ng mga kaduwagan natin, pag di mo ginawa at hinarap agad yang mga yan, wala kang mapapala, hindi mo malalaman ang sagot, at malamang, dahil diyan sa kaduwagan mo, dadami at dadami lalo ang mga problema mo..
sa panliligaw.. katorpehan sa pagkakaintindi ng ilan.. pag nanliligaw kasi, nandiyan palagi ang kung anu anung klase ng takot.. hindi maiiwasan ang mga linyang "tangina anu kaya iisipin niya pag nalaman niya?" o kaya "gagawin ko ba?.." o kung hindi man, "kausapin/i-pm ko kaya siya?" at kung anu anu pang mga tanong na tangina ikaw mismo sa sarili mo takot malaman ang sagot o ang kalalabasan.. ganyan talaga, hindi maiiwasan.. yang mga ganyang klase ng takot ay normal lang pag nanliligaw, pero tangina, minsan sobrang nakakagago, na minsan nababalutan ka na ng kaduwagan mo at maiiwan kang mukhang tanga sa isang sulok.. panay tanong at walang magawa.. parang yung mga takot sa ipis, pag nakakita ng isa, maninigas at hindi alam ang gagawin.. hindi totoo ang linyang "hindi ko kaya" hangga't hindi mo sinusbukan.. kaya nga ligaw kaibigan eh.. wag kang matakot sa kung anu ba ang gusto niyang mangyari at kung anu ang iisipin niya, ang isipin mo at pagtuunan ng pansin ay ang gusto mong mangyari, na walang iba kundi ang mapasagot siya.. isipin mo na yang mga kaduwagan mo parang ipis lang yan, maliit, wala namang laban kung tutuusin, nasa sarili mong kaartehan at kabaklaan lang na hindi mo kaya, tangina anu ba laban sayo ng maliit na ipis?.. tulad ng kaduwagan, isang maliit na emosyon lang yan sa pagkatao mo.. kung paghaharian ka ng takot at kaduwagan, tangina ngayon palang itigil mo na yang panliligaw mo, dahil panigurado wala kang mararating.. sinong tangang aasang madali manligaw?.. kung dyan palang takot ka na, mag isip isip ka na..
sa relasyon.. takot sa kasintahan.. takot sa kung anung sasabihin niya.. takot na baka tawanan niya ang kababawan ng nginangawa mo.. takot na baka magalit siya.. takot na baka humanap ng iba.. at kung anu anu pang mga bagay na ewan ko ba, takot kang malaman ang reaksyon ng isa kaya tinatago mo nalang sa sarili mo at hinayayaang mong mabaliw at maulul ka kakaisip ng hindi nalalaman ng kasintahan mo.. na siya tuloy akala niya normal lang at okay lahat ng ginagawa niya, samantalang ikaw itong sa isang sulok ay nagmumukmok, na bakit niya ginagawa ang kung anu mang bagay na ginagawa niya na hindi mo gusto.. marahil ay dahil hindi siya salamangkero o manghuhula, minsan may mga taong talagang kailangang ipamukha muna sakanya ang ginagawa niyang mali bago niya malamang mali o nakakasakit na ang ginagawa niya.. kung takot ka man na magalit siya o manumbat, pwes edi ibaon mo nalang ang sarili mo sa kalungkutan, tangina kung matatakot ka lang din sa kasintahan mo, edi hindi relasyon yan, diktatura ang tawag diyan.. minsan kung alam mong tama ka, kailangan mong ipaglaban na tama ka talaga, hindi ka dapat matakot sakanya kung alam mong tama ka naman talaga.. at kung mali ka, tangina wag kang matakot na tapakan yang tanginang pride mo na yan at magpakumbaba, malamang ay natatakot kang mahusgahan ng iba, na tangina under ka kuno sa kasintahan mo, kaya mo pinapairal yang putanginang pride na yan.. ang mga problema sa kasintahan, pag di mo inayos agad, lalala at lalala yan, dadami at dadami ang bagay na isusumba't niyo sa isa't isa.. tulad ng ipis, pag di mo pinatay agad, tatakas yan at mangingitlog, dadami at babalikan ka.. huwag mo nang hayaan na magsisi ka sa huli na hindi mo tinapos o inayos yang mga problema mo nung simula at simple palang.. hindi ngayon na nagpatong patong na ang lahat, parang isang bandehadong ipis na sabay sabay lumabas sa banyo mo.. kung tutuusin nga, mas simple to kesa sa manligaw eh, kasi pag may relasyon, nandyan na ang pagmamahalan, kaya't kahit konti naman siguro ay nagkakaintindihan na kayo, naguunawaan para sa isa't isa at siguro naman, may respeto sa nararamdaman ng bawa't isa..
Simple lang yan kaibigan, ang takot at kaduwagan ay pagsubok satin ng tadhana, may mga bagay na kailangan muna nating harapin ang mga pinakakinakatakutan nating mga bagay para malaman natin kung anu ba talaga.. meron ding mga bagay na dahil sa kaduwagan natin ay pilit nalang nating hindi pinansin at pinabayaan nalang dahil sa sobrang takot mong subukan ang kung anu man.. pero ang pinakamalupet ay yung may mga bagay na minsan kahit alam mong takot na takot ka ay haharapin mo, yung tipong sa hindi mo sinasadyang pagkakataon ay nawala nalang bigla lahat ng mga kaduwagan mo.. bakit? kasi para sakanya.. sino? magisip isip ka na..
-krphclo
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento